Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

272/367

Dapat Tayong Gumawa Kasama ni Cristo Upang Magligtas ng mga Nawaglit, 27 Setyembre

Pag-uwi niya sa tahanan, tinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at ang kanyang mga kapitbahay na sinasabi sa kanila, Makigalak kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko na ang aking tupang nawawala. Lucas 15:6. LBD 275.1

Nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, nakikipag-usap Siya sa isang grupo, marami sa kanila ang nakaaalam sa karanasan ng buhay ng isang pastol sa Filisteo. Ang mga kawan doon ay hindi pinapanatili sa patag, na nasasakupan ng mga pastulan, ngunit sa mga gilid ng burol, sa gitna ng mga matarik na dalisdis at mga bangin. . . . LBD 275.2

Palaging mayroong panganib mula sa mga tulisan at lobo na dapat bantayan. Minsan, isang tupa ang aalis sa kawan; kaya madalas silang bilangin upang makita na walang nawala, sapagkat dapat magbigay ng isang mahigpit na ulat ang pastol ng lahat ng mga tupa sa ilalim ng kanyang pangangalaga. . LBD 275.3

. . Puno ng peligro ang buhay ng pastol. Kung isa siyang mapagkakatiwalaang pastol, hindi siya magiging pabaya at magsisikap sa sarili niyang kaalwanan, ngunit hahanapin niya ang naliligaw na tupa sa gitna ng unos at bagyo. . . . LBD 275.4

Ganito ang pagtrato ng tunay na Pastol sa nawalang makasalanan. Sumusunod Siya sa kanya; Hindi Siya nag-aalangan sa panganib, pagtanggi sa sarili, at pagsasakripisyo sa sarili. Nais Niyang dalhin ang kaluluwang nabigatan ng kasalanan sa pagsisisi, sa kaligtasan, sa kapayapaan, sa kapahingahan, at kaligayahan sa pag-ibig ng kanyang Tagapagligtas. At pribilehiyo ito ng bawat isang nakaranas ng pag-ibig ni Jesus sa kanyang sariling puso, na isipin kung mayroon bang isa, sa pamamagitan ng personal na pagsisikap, ng pinagaralang taktika at kabaitan, na madadala niya kay Jesus, na Siyang handa at nagnanais na tumanggap sa lahat nang pupunta sa Kanya. Marami tayong magagawa sa pamamagitan ng personal na pagsisikap. Maaari tayong maging mga manggagawa kasama si Jesu-Cristo.— The Youth’s Instructor, April 28, 1886. LBD 275.5

Seryoso ang buhay. Mayroon kayong isang malaking bukirang pagtatrabahuhan; at ang matiyagang paghahanap sa nawalang tupa ang magiging pinakamatagumpay na paraan kung saan ninyo magagamit ang inyong panahon. . . . Kung makapagbibigay kayo ng isang nakapagliligtas na impluwensya sa isang kaluluwa, tandaang mayroong kagalakan sa langit sa isang nagsisi. . LBD 275.6

. . Maaari kayong, sa pamamagitan ng matalinong pagsisikap, maging paraan upang maibalik ang nawalang tupa sa kulungan ni Jesus.— The Youth’s Instructor, May 4, 1886. LBD 275.7