Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Dapat Tayong Gumawang May Pag-ibig, 18 Setyembre
Sa ganito ay makikilala ng lahat ng tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa. Juan 13:35. LBD 266.1
Tulungan nawa tayo ng Diyos na maunawaang kailangan natin imaging mga manggagawa kasama Niya. Magsimula tayong maging mga kamanggagawa ng langit. . . . Hindi ba kayo makikipagkaisa sa paggawa para sa inyong mga pamilya at para sa inyong mga kaibigan at mga kakilala?— Manuscript 85, 1909. LBD 266.2
Kailangang mapagtanto natin araw-araw kung anong kaagapay mayroon tayo kay Jesus. Unawain ng lahat na maaari silang maging mga kamanggagawang kasama ni Jesu-Cristo. Pribilehiyo ninyo ito na makatanggap ng biyaya mula kay Cristo na makapagpapaginhawa sa iba na may parehong kaginhawaan na ibinigay ng sa inyo ng Diyos. . . . Hayaang gawin ng bawat isa ang kanyang gawin na ninanais niyang magawa kapag dumating na ang katapusan ng lahat ng bagay. Hayaang subukang tulungan ng bawat isa ang susunod. Sa gayon maaari kayong magkaroon ng isang maliit na langit dito sa ibaba, at gagawa ang mga anghel ng Diyos sa pamamagitan ninyo upang gumawa ng mga tamang mga impresyon. . . . Nais ni Cristo na gamitin kayo bilang Kanyang mga lingkod. Sikaping makatulong saan man ninyo ito magagawa. Linangin ang pinakamahusay na mga disposisyon na ang biyaya ng Diyos ay maaaring mapanatili nang mayaman sa inyo. LBD 266.3
Maaaring matutong tumingin ang kabataan at matanda sa Diyos bilang Isang magpapagaling, bilang Isang nakikiramay, na nakaiintindi sa kanilang mga pangangailangan at hindi kailan man magkakamali. Maaaring hawakan ng inyong sangkatauhan ang pagka-Diyos ni Cristo sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya, at maaari kayong matutong isakatuparan . . . ang mga alituntunin ng langit. Gagawin kayo nitong isang pagpapala sa lahat.— Manuscript 87, 1909. LBD 266.4