Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

264/367

Tagapagtanggol ng Pananampalataya, 19 Setyembre

Natagpuan kong kailangang sumulat upang himukin kayo na ipaglaban ang pananampalataya na minsanang ibinigay sa mga banal. Judas 1:3. LBD 267.1

Dumarami sa mundo ang iba’t ibang uri ng krimen, at narumihan ang lupa sa ilalim ng mga naninirahan dito. Malapit nang matupad ang walang-hanggang mga plano ng Diyos, at malapit na ang katapusan ng lahat ng mga bagay. Isang panahon ito kung saan ang mga may kaalaman sa katotohanan ng Diyos ay dapat na sumasaklaw sa kanilang mga sarili sa tabi ng bandilang namantsahan ng dugo ni Prinsipe Emmanuel. Dapat silang tumayo bilang mga tagapagtanggol ng pananampalataya na naihatid sa mga banal. Dapat nilang ipahiwatig sa mundo kung ano kahalagahan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos at magkaroon ng pananampalataya kay Jesus. Dapat nilang hayagang paliwanagin ang kanilang ilaw sa malinaw, malakas na mga sinag sa daanan ng mga lumalakad sa kadiliman. Ang mga sundalo ni Cristo ay dapat tumayong magkabalikatan, matapat sa katotohanan, mga tagapagsanggalang ng batas ni Jehovah. LBD 267.2

Yaong mga umaalis mula sa mga payak na mga tuntunin ng Diyos, ay susuporta sa kamalian, at hahanay laban sa mga sundalo ni Cristo. Ipapakita nila kung sino ang kanilang pinuno sa landas na kanilang itutuloy sa pagsalungat sa katotohanan ng Diyos, at sa pagpapatupad ng kamalian sa konsensya sa pamamagitan ng mapang-aping mga hakbang. Panahon na upang magdesisyon sa isang katayuan sa panig ng katotohanan; at tulad ng ibinigay ng Diyos sa bawat isa sa kanyang sukat ng impluwensya, dapat niyang ipahiwatig ito sa kaluwalhatian ng Diyos at para sa kabutihan ng kanyang mga kasama. Walang ni isa sa mga tapat na katiwala ni Cristo ang mawawalan ng ginagawa sa ganitong oras, o magiging kontento na mabuhay nang simple para sa sarili lamang. Mapagtatanto ng mga nakikipag-ugnay kay Cristo na mayroong mga kaluluwa sa bawat panig na maaaring makinabang sa kanilang tulong, halimbawa, at impluwensya. Mapagtatanto nilang maaaring maging mga ahente sila na ginagamit ni Jesus upang mailigtas ang mga taong inukulan ng Kanyang pagkamatay. Ito ang dapat maranasan ng lahat na nagsasabing naniniwala sa mensahe ng ikatlong anghel. Ang kabataan at matanda ay dapat magkaroon ng isang mayaman, masaya, masaganang karanasan sa relihiyon ni Cristo.— The Youth’s Instructor, June 29, 1893. LBD 267.3