Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Kailangan Nating Gumawa ng Mabuti sa Ating Kapwa, 17 Setyembre
Huwag mong ipagkait ang mabuti sa kinauukulan, kapag ito’y nasa kapangyarihang gawin ng iyong kamay. Kawikaan 3:27. LBD 265.1
Kaya handa at nasasabik na ang puso ng Tagapagligtas upang tanggapin tayo bilang mga miyembro ng pamilya ng Diyos, na sa mga pinakaunang salita na dapat nating gamitin sa paglapit sa Diyos, inilalagay Niya ang katiyakan ng ating banal na ugnayan,—“Ama namin.” . . LBD 265.2
. Sa pagtawag sa Diyos na ating Ama, kinikilala natin ang lahat ng Kanyang mga anak bilang ating mga kapatid. Bahagi tayong lahat ng malaking istraktura ng buhay ng sangkatauhan, lahat ay mga miyembro ng isang sambahayan. Dapat nating isama sa ating mga petisyon ang ating mga kapitbahay pati na rin ang ating mga sarili. Walang sinumang nananalangin nang maayos na naghahangad ng isang pagpapala na para sa kanyang sarili lamang.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 105, 106. LBD 265.3
Nakatali tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pinakamalakas na ugnayan, at ang pagpapakita ng pagmamahal ng ating Ama ay dapat na tumawag ng pinaka-filial na pagmamahal at ng pinakamasigasig na pasasalamat. Ang mga utos ng Diyos ay may kanilang pundasyon sa pinakahindi mababagong pagkamatuwid, at ikinuwadro upang maitaguyod nito ang kaligayahan ng mga nag-iingat sa mga ito. LBD 265.4
Sa aralin ng pananampalatayang itinuro ni Cristo sa bundok, ipinahayag ang mga alituntunin ng tunay na relihiyon. Dinadala ng relihiyon ang tao sa isang personal na kaugnayan sa Diyos, ngunit hindi eksklusibo; sapagkat dapat isakabuhayan ang mga alituntunin ng langit, upang matulungan at mapagpala ng mga ito ang sangkatauhan. Mamahalin Siya ng buong puso ng isang tunay na anak ng Diyos, at ang kanyang kapwa tulad sa kanyang sarili. Magkakaroon siya ng interes para sa kanyang kapwa tao. Ang tunay na relihiyon ay gawa ng biyaya sa puso, na nagdudulot na daluyan ng mabubuting gawa ang buhay, tulad ng isang bukal na sinusustentuhan ng mga buhay na sapa. Hindi lamang binubuo ng pagmumuni-muni at pananalangin ang relihiyon. Naipapakita ang liwanag ng Cristiano sa mabubuting gawa, at sa gayon ay nakikila ng iba. Hindi dapat hiwalay ang relihiyon sa buhay ng negosyo. Ito ay upang palayasin at pakabanalin ang mga pakikipagsapalaran at negosyo nito. Kung tunay na konektado ang isang tao sa Diyos at sa langit, iimpluwensyahan ng espiritung tumatahan sa langit ang lahat ng kanyang mga salita at kilos. Luluwalhatiin niya ang Diyos sa kanyang mga gawa, at ihahatid ang upang parangalan Siya.—The Review and Herald, September 18, 1888. LBD 265.5