Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

261/367

Paano Tayo Dapat Gumawa, 16 Setyembre

Kundi sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo, ngunit gawin ito nang may kaamuan at paggalang. 1 Peter 3:15. LBD 264.1

Sa araw-araw na paggawa ng mga gawain ni Cristo, nagiging isa itong kasiyahan na gawin ang Kanyang kalooban. Naparito si Cristo sa ating mundo upang ipamuhay ang kautusan ng Diyos, upang maging huwaran natin sa lahat ng bagay. Inilagay Niya ang Kanyang Sarili sa pagitan ng luklukan ng awa, at ang napakaraming mga wala sa pusong sumasamba na puspos ng karangyaan, pagmamalaki, at pagiging walang kabuluhan, at sa pamamagitan ng Kanyang mga aral ng katotohanan, na “mahusay sa pagiging simple,” ikinintal niya ang mga tao sa pangangailangan ng espirituwal pagsamba. Ang kanyang mga liksyon ay kahanga-hanga, maganda at may bigat na kahalagahan, at gayunman ay simple na kahit isang bata ay makakaunawa nito. Napakalalim ng katotohanang ipinakita Niya na anupa’t di-makakayang ubusin kahit ng pinakamatalino at pinakamatagumpay na guro. Yaong mga gumagawa bilang nakakikita sa Hindi Makakikita, ay palaging mapananatili ang pagiging simple, na kinakargahan ang pinakasimpleng mga salita ng kapangyarihan ng mga dakilang katotohanan.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 253. LBD 264.2

Maaaring maging kapangyarihan para kay Cristo ang kabataan, kung pananatilihin nila ang kanilang kasimplihan, at hindi maghahangad na magpakita ng isang nakagugulat, isang bagay na orihinal, ngunit itinuturo ang mga utos ng kanilang Panginoon. Ngunit upang mamuhunan ang pinakasimpleng katotohanan sa pagiging bago at pagkakapareho, ay ang pagnanakaw sa kanila ng kanilang kapangyarihan na magkamit ng mga kaluluwa kay Cristo. . . . Di-mahalaga sa tagumpay ang paggamit ng mga mahabang salita at umaapaw na katalinuhan. Ang kailangan ninyo ay isang buhay na karanasan sa mga bagay ng Diyos, at kasimplihan sa pagpapakita ng pag-ibig ni Cristo sa mga nawaglit. . LBD 264.3

. . Kapag kumikinang ang puso sa pag-ibig ni Jesus, ipapahayag ninyo ito sa iba, at magiging mga saksi ito para kay Cristo.— Undated Manuscript, p. 33. LBD 264.4

Hindi natin dapat itago ang ebanghelyo, o takpan ang krus ni Cristo ng mga ornamental na rosas at sa gayon ay walang epekto ang pangangaral nito.— Manuscript 39, 1895. LBD 264.5

Ang tunay at matapat na pagpapahayag ng isang anak na lalaki o babae ng Diyos, na sinasalita sa natural na kasimplihan, ay may kapangyarihan upang buksan ang pintuan ng mga pusong matagal nang isinara laban kay Cristo at sa Kanyang pag-ibig.— Christ’s Object Lessons, p. 232. LBD 264.6