Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mga Kinatawan ng Pamahalaan ng Diyos, 15 Setyembre
Kaya, mga kapatid kong minamahal, kayo’y maging matatag, hindi nakikilos, na laging sagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon. 1 Corinto 15:58. LBD 263.1
Ang iglesia ni Cristo ay dapat maging malinis, dalisay, at pinabanal sa Diyos. Tumatayo ang mga miyembro nito sa harap ng mundo bilang mga kinatawan ng makalangit na pamahalaan. Nakasakay sila, hanggang tumagal ang oras, sa isang proyekto ng awa. LBD 263.2
Hangarin ng Diyos na ang lahat na nagsasabing naniniwala sa katotohanan ng Kanyang salita ay ipakikilala ito. Gagantimpalaan ng malaki ang kanilang matiyagang katapatan. “At ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, ay ibibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan.” LBD 263.3
Huwag tayong mapagod kung gayon sa paggawa ng mabuti. Ibigay natin nang lubusan ang ating mga puso sa mga turo ng salita ng dakilang Medikal na Misyonero. Ayon sa ating sariling pananalig sa mensahe ang magiging katapatan at lakas natin sa pagtaguyod ng kaalaman tungkol kay Jesu-Cristo. Dapat tayong maging mga “manggagawa kasama ng Diyos,” na palaging “sagana sa gawain ng Panginoon.” LBD 263.4
Humaharap tayo sa mga bagong obligasyon sa bawat araw ng ating buhay. Ang pagtatapos ng isang gawain ay pasimula naman ng panibago. Kailangang gugulin ang ating buhay sa banal na paglilingkod para sa ating Guro. Mga lingkod tayo ng Panginoon. Ang mga kaanib ng iglesia ni Cristo ay dapat maging halimbawa ng buhay na paglilingkod, ng kumpletong pagsunod sa ating dakilang Halimbawa. Itatalaga sa atin bawat araw ang gawaing ayon sa ating ilang kakahayan. Sa mapanalanginin, sa mapagmatyag na paglilingkod, ay ating pasasakdalin ang ating mga karakter tungo sa banal na wangis, katangiang ikalulugod ng ating Diyos, at magpapaging dapat sa atin upang pumasok sa walang-hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.— Manuscript 57, 1907. LBD 263.5
Naghihintay ang Panginoon na maipakita sa pamamagitan ng Kanyang mga tao ang Kanyang biyaya at kapangyarihan. . . . Indibiduwal na dapat tayong lumakad at makipag-usap sa Diyos; kung gayon lilitaw sa ating buhay ang sagradong impluwensya ng ebanghelyo ni Cristo sa lahat ng kahalagahan nito.— Manuscript 57, 1907. LBD 263.6