Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

259/367

Inilalagay ng Diyos ang Kabutihan sa Tabi ng Pananalangin, 14 Setyembre

Ang mga pananalangin mo at ang iyong mga limos ay umakyat bilang alaala sa harapan ng Diyos. Gawa 10:4. LBD 262.1

Ang tunay na kabutihang Cristiano ay nagmumula sa prinsipyo ng nagpapasalamat na pag-ibig. Hindi maaaring umiiral ang pag-ibig kay Cristo nang walang kaukulang pag-ibig sa mga pinarituhan niya sa mundo upang tubusin. Dapat pag-ibig kay Cristo ang naghaharing prinsipyo ng tao, kinokontrol ang lahat ng damdamin at pinangangasiwaan ang lahat ng lakas nito. Dapat mapukaw ng tumutubos na pag-ibig ang lahat ng malambot na pagmamahal at mapagmalasakit na debosyon na posibleng umiiral sa puso ng tao. Kung ganito ang kalagayan, walang kailangang apelang nakaaantig sa puso ang kakailanganin upang masira ang kanilang pagiging makasarili at magising ang kanilang mga natutulog na pakikiramay, upang tawagan ang mga mapagkaloob na mga handog para sa mahalagang gawain ng katotohanan. . . . LBD 262.2

Ang nararapat na nakatuon na kabutihang-loob ay nakakukuha ng lakas sa pag-iisip at moral ng mga kalalakihan, at hinihimok ang mga ito sa pinakamalusog na pagkilos sa pagpapala sa mga nangangailangan at sa pagsulong ng gawain ng Diyos. Kung kailangang mapagtanto ng mga may mga kayamanan na may pananagutan sila sa Diyos sa bawat dolyar na ginugol nila, mas magiging kaunti ang kanilang ipinalalagay na ninanais. Kung buhay ang budhi, magpapatotoo siya ng mga hindi kinakailangang paglalaan sa kasiyahan ng pagkain, at sa paglilingkod sa kapalaluan, sa kawalang kabuluhan, at sa mga libangan, at iulat ang pagwawalang-bahala ng pera ng kanilang Panginoon, na dapat sanang itinalaga sa Kanyang layunin. . . . LBD 262.3

Hindi binubuo ang haba at kaligayahan ng buhay sa dami ng ating mga kayamanan sa lupa. . . . LBD 262.4

Ang mga iglesiang iyon na pinakasistematiko at liberal sa pagpapanatili ng layunin ng Diyos, ang pinakamaunlad sa espirituwal. Ang totoong kalayaan sa tagasunod ni Cristo ay kinikilala ang kanyang interes doon sa interes ng kanyang Guro. . . . Ang pagiging makamundo at kasakiman ay kumakain ng mga mahahalaga sa bayan ng Diyos. Dapat nilang maunawaan na ang Kanyang awa ang nagpaparami ng mga hinihingi para sa kanilang mga kayamanan. Naglalagay ang anghel ng Diyos ng mga mabuting gawa na malapit sa tabi ng panalangin. Sinabi niya kay Cornelius, “Ang iyong mga limos ay umakyat bilang alaala sa harapan ng Diyos.”— The Review and Herald, December 15, 1874. LBD 262.5