Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Kailangan Nating Maging Masigasig sa Ating mga Paggawa, 13 Setyembre
Ako ay isang Judio, . . . na masigasig para sa Diyos, na tulad ninyon lahat ngayon. Gawa 22:3. LBD 261.1
Bilang isang bayan, hindi tayo kulang sa talento. Mayroong mga kalalakihan at kababaihan sa atin na ang mga gawain ay tatanggapin ng Diyos kung iaalok nila ito sa Kanya, ngunit napakakaunti ang may diwa ng sakripisyo. Madaling magbigay ang ilan ng kanilang mga pera, at pakiramdam na kapag nagawa na nila ito, wala nang kinakailangan sa kanila. Wala silang ginagawang espesyal na sakripisyo sa paggawa. Mabuti ang pera hanggang sa mga naaabot nito, ngunit, malibang samahan ng personal na pagsisikap, ay kaunti lamang ang maitutulong sa panghihikayat ng mga kaluluwa sa katotohanan. Hindi lamang ang inyong pera ang tinatawag ng Diyos, . . . ngunit kayo ang tinatawag Niya. Samantalang ibinigay ninyo ang inyong mga pera, makasarili naman ninyong ipinagkait ang inyong mga sarili. Higit na mahalaga ang isang masigasig na manggagawa sa ubasan kaysa isang milyong pera na wala naman taong gagawa. Ang pagbibigay ng inyong mga sarili ay magiging isang sakripisyo kung mayroon kayong isang tamang pagtatantya ng gawain, at mapagtanto ang mga pag-aangkin nito. . . . LBD 261.2
Marami ang hindi sapat na napukaw sa kanilang tungkulin na gawin ang gawaing maaari nilang magawa kung nanaisin nila, at hindi nila ginagawa dahil wala silang espiritu ng sakripisyo. Pananagutin ng Diyos ang mga ito para mga kaluluwa ng kanilang kapwa tao. Maaaring gumawa sila ng isang mabuting gawa na kaisa kay Cristo, at tatawagin sila upang magbigay ng isang tala para sa kabutihang maaari sana nilang nagawa para sa kaluluwa, ngunit hindi nila ginawa. . . . LBD 261.3
Malapit na ang gabi, kung saan wala nang tao ang makagagawa. Si Satanas ay maalab, masigasig, at nagtitiyaga sa kanyang gawain. Kung mabibigo siyang maisakatuparan ang kanyang layunin sa unang pagkakataon, sumusubok siya ulit. Susubukan niya ang iba pang mga plano, at gagawang may mahusay na pagtitiyaga upang magdala ng iba’t ibang mga tukso para siluin ang mga kaluluwa. Hindi siya kailan man nasisiraan ng loob upang hayaan ang mga kaluluwa nang nag-iisa. Kung ang sigasig at tiyaga ng mga tagasunod ni Cristo sa kanilang pagsisikap na mailigtas ang mga kaluluwa ay katumbas ng mga pagsisikap ni Satanas na linlangin sila sa kanilang walang-hanggang pagkawala, makakikita tayo ng daan-daang yumayakap sa katotohanan na nakikita na natin ngayon.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899 LBD 261.4