Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mga Matuwid na Miyembro ng Iglesia, 12 Setyembre
At ang gawa ng katuwiran ay kapayapaan; at ang gawa ng katuwiran ay katahimikan at pagtitiwala kailan man. Isaias 32:17. LBD 260.1
Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.” Ang panloob na paggayak ng isang maamo at tahimik na espiritu ay di-mabibili ng halaga. Sa buhay ng totoong Cristiano, palaging naaayon ang panlabas na paggayak sa panloob na kapayapaan at kabanalan. Sa gayon, maitatatag ang iglesia sa katuwiran ng mga miyembro. Dapat magpakita ang bayan ng Diyos ng isang pananalig na matatag at hindi natitinag. Ang Biblia ang kanilang pamantayan. Gagawa ng liwanag sa kanila ang mga mayamang alon ng biyaya mula sa langit, na kailangan nilang ibibigay sa iba. Dapat ipahayag ang katotohanan sa lahat ng kapangyarihan nito. Ang mga matapat na gumagawa ng gawaing ito, na sumusunod sa mga utos ng Diyos sa gawa at sa katotohanan, ay makikilala bilang mga manggagawa kasama ng Diyos. LBD 260.2
“At ang gawa ng katuwiran ay kapayapaan; at ang gawa ng katuwiran ay katahimikan at pagtitiwala kailan man.” Mula sa pasimula hanggang sa katapusan ng kasaysayan ng iglesia, si Cristo sa Kanyang bayan ay magiging ang lahat ng ipinahayag ng mga salitang ito, kung susundin nila ang paanyaya, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, . . . matuto kayo sa akin; sapagkat Ako’y maamo at may mapagkumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang Aking pasan.”— The General Conference Bulletin, July 1, 1900. LBD 260.3
Kung sumuko kayo sa mga pag-angkin ng Diyos, at mapukaw ng Kanyang pag-ibig, at mapuno ng Kanyang kapuspusan, titingnan kayo ng mga bata, kabataan, at mga batang alagad sa kanilang mga impresyon sa kung ano ang bumubuo ng praktikal na kabanalan; at sa gayon maaari kayong maging paraan ng pamumuno sa kanila sa landas ng pagsunod sa Diyos. Magkakaroon kayo ng isang impluwensyang magdadala sa pagsusulit ng Diyos, at maihahambing ang inyong gawain sa ginto, pilak, at mahahalagang bato, sapagkat ito ay magiging isang walang katapusang likas. . . . LBD 260.4
Maraming naghahanap sa inyo, upang makita kung ano ang magagawa ng relihiyon sa inyo. Kung tapat kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Diyos, gagawa kayo ng mga tamang mga impresyon, at maghahatid ng mga kaluluwa sa daan ng katuwiran.— The Review and Herald, October 16, 1888. LBD 260.5