Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

251/367

Nakaiimpluwensya sa Iba ang Mabuting Ugali sa Tahanan, 6 Setyembre

Magpakatatag ka, at tayo’y magpakalalaki Para sa Ating Bayan. 1 Cronica 19:13. LBD 254.1

Gustung-gusto ng Tagapagligtas ng daigdig na ibigay ng mga anak at kabataan ang kanilang mga puso sa Kanya. . . . Sa pamamagitan ng pagkabata at kabataan, matatagpuan silang matapat na mga alagad ng ating Panginoon. . . . Maaari kayong maging pagpapala sa tahanan sa inyong mga unang taon.— The Youth’s Instructor, August 10, 1893. LBD 254.2

Kahit sa pamamagitan ng mga bata at kabataan maaaring lumiwanag ang ilaw ng buhay sa mga nakaupo sa kadiliman. Pagkatapos magbantay at manalangin, at magtamo ng isang personal na karanasan sa mga bagay ng Diyos. Maaaring turuan kayo ng inyong mga magulang, maaari nilang subukang gabayan ang inyong mga paa sa mga ligtas na landas; ngunit imposible nilang mabago ang inyong puso. Dapat ninyong ibigay ang inyong puso kay Jesus, at lumakad sa mahalagang liwanag ng katotohanan na ibinigay Niya sa inyo. Matapat na gawin ang inyong mga tungkulin sa buhay sa tahanan, at, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, maaari kayong lumaki sa buong taas na ninanais ni Cristo na kalakihan ng kanyang anak upang makasama Siya. LBD 254.3

Sa pagkabata at kabataan maaari kayong magkaroon ng isang karanasan sa paglilingkod sa Diyos. Gawin ang mga bagay na alam ninyong tama. Maging masunurin sa inyong mga magulang. Makinig sa kanilang mga payo; sapagkat kung minamahal at natatakot sila sa Diyos, nasa kanila ang responsibilidad ng pagtuturo, pagdidisiplina, at pagsasanay sa inyong kaluluwa para sa imortal na buhay. Tanggapin na may pasasalamant ang tulong na gusto nilang ibigay sa inyo, at pasayahin ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng masayang pagsumite ng inyong sarili sa mga pagdidikta ng kanilang mas matalinong paghuhusga. Sa ganitong paraan ay maigagalang ninyo ang inyong mga magulang, maluluwalhati ang Diyos, at magiging isang pagpapala sa mga kasama ninyo.— The Youth’s Instructor, August 17, 1893. LBD 254.4

Nais nating maging masaya ang mga bata at kabataan sa buhay na ito, at dalhin ang lahat na nagpapaging kanais-nais sa langit—isang lugar ng kapayapaan at kaligayahan—sa buhay ng tahanan. Sanayin ang inyong mga sarili na kumilos ng maayos sa tahanan, na may takot sa Panginoon sa harap ninyo, at magiging gawi ito na kumilos nang maayos kapag malayo sa bahay. . . . Hayaang pag-ibig ang taglayin, at kapayapaan, at Cristianong paggalang, at mga anghel ang magiging panauhin ninyo.— The Youth’s Instructor, April 14, 1886. LBD 254.5