Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Impluwensya ng Cristianong Pamumuhay sa Tahanan, 5 Setyembre
Ang tahanan ng matuwid ay Kanyang pinagpapala. Kawikaan 3:33. LBD 253.1
Kung mayroon tayong Cristo na gumagabay sa atin, magiging mga Cristiano tayo sa ating tahanan maging sa ibayong dagat. Magkakaroon ang isang Cristiano ng mga mabubuting salita para sa kanyang mga kamag-anak at kasamahan. Siya ay magiging mabuti, magalang, mapagmahal, maalalahanin, at tuturuan ang kanyang sarili para sa isang tahanan sa langit. Kung miyembro siya ng maharlikang sambahayan, rerepresentahan niya ang kahariang pupuntahan niya. Magsasalita siyang may kahinahunan sa kanyang mga anak, dahil mauunawaan niyang tagapagmana rin sila ng Diyos, mga miyembro ng makalangit na hukuman. Walang nananahang espiritu ng katigasan sa mga anak ng Diyos.—The Review and Herald, September 20, 1892. LBD 253.2
Tandaan na kung ano kayo sa inyong pamilya, magiging ganoon din kayo sa iglesia. Kung paano ninyo tinatrato ang inyong mga anak, ganoon din ninyo tinatrato si Cristo. Kung tinataglay ninyo ang espiritung hindi kagaya ng kay Cristo, inilalagay ninyo sa kahihiyan ang Diyos. . . . Hindi posisyon ang sukatan ng tao. Ang Cristo na nabuo sa loob ang nagpapaging mahalaga sa tao na makatanggap ng korona ng buhay, na hindi kumukupas.— Manuscript 21, 1903. LBD 253.3
Nais ng Diyos na magsimula ang bawat tao sa tahanan, at mamuhay ng isang Cristianong pamumuhay. Sa iglesia at sa bawat transaksyon sa negosyo, Ang tao ay magiging kung ano siya sa kanyang tahanan. Kung nagsusumite siya sa patnubay ng Banal na Espiritu sa tahanan, kung naiintindihan niya ang kanyang responsibilidad na humarap sa mga isipan doon, kung magkagayon tatahakin niya ang parehong direksyon. Inaalala ang kabaitan ni Cristo sa kanya, ipapakita niya ang parehong pag-ibig at kabaitan sa iba. . . . LBD 253.4
Dapat isagawa sa bawat pamilya ang mga alituntunin ng langit, sa disiplina ng bawat iglesia, sa bawat establesimiento, sa bawat institusyon, sa bawat paaralan, at sa lahat dapat pamahalaan.— The General Conference Bulletin, April 3, 1901. LBD 253.5
Ang mga kalalakihan at kababaihan, mga bata at kabataan, ay sinusukat sa mga sukatan ng langit alinsunod sa ipinakikita nila sa kanilang buhay sa tahanan. Ang isang Cristiano sa tahanan ay isang Cristiano sa lahat ng dako. May impluwensyang hindi masusukat ang relihiyong nadala sa tahanan.— Manuscript 34, 1899. LBD 253.6