Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Naghandog ng mga Hain si Job Para sa Kanyang mga Anak, 7 Setyembre
Pagkatapos ng mga araw ng kanilang pagdiriwang, sila ay ipinasugo ni Job at pinapagbanal. Siya’y maagang bumabangon sa umaga at naghahandog ng mga handog na sinusunog ayon sa bilang nilang lahat, sapagkat sinabi ni Job, Maaaring ang aking mga anak ay nagkasala, at sinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso. Ganito ang palaging ginagawa ni Job. Job 1:5. LBD 255.1
Mayroong dalawang paraan nang pakikitungo sa mga bata,—mga paraang magkakaiba-iba sa prinsipyo at sa mga resulta. Ang katapatan at pag-ibig, na pinagsama ng karunungan at katatagan, alinsunod sa mga turo ng Salita ng Diyos, ay magdadala ng kaligayahan sa buhay na ito at sa susunod. Ang pagpapabaya sa tungkulin, hindi mainam na pagpapakasasa, pagkabigong mapigilan o iwasto ang mga kahangalan ng kabataan, ay magreresulta sa kalungkutan at panghuling pagkawasak sa mga bata, at pagkabigo at paghihirap sa mga magulang. . . . LBD 255.2
Mabuting matutuhan ng mga magulang mula sa lalaki ng Uz ang isang aral ng katatagan at debosyon. Di-pinabayaan ni Job ang kanyang tungkulin sa mga nasa labas ng kanyang sambahayan; siya ay mapagkawanggawa, mabait, maalalahanin sa interes ng iba; at gumawa siyang may kasigasigan, sa parehong panahon, para sa kaligtasan ng kanyang sariling sambahayan. LBD 255.3
Sa gitna ng mga pagdiriwang ng kanyang mga anak, nanginig siyang baka di-mapaluguran ng kanyang mga anak ang Diyos. Bilang isang matapat na pari ng sambahayan, nag-alay siya ng mga sakripisyo sa bawat isa sa kanila. Alam niya ang nakasasakit na katangian ng kasalanan, at ang pag-iisip na maaaring makalimutan ng kanyang mga anak ang mga banal na pag-angkin, ang naghatid sa kanya sa Diyos bilang tagapamagitan para sa kanila.— The Review and Herald, August 30, 1881. LBD 255.4
Nais Niya [ng Diyos] na makitang natipon mula sa mga tahanan ng ating bayan ang isang malaking samahan ng kabataan na, dahil sa maka-Diyos na impluwensya ng kanilang mga tahanan, ay isinuko ang kanilang mga puso sa Kanya at humayo upang bigyan Siya ng pinakamataas na paglilingkod ng kanilang buhay. Inatasan at sinanay ng banal na tagubilin ng tahanan, ang impluwensya ng pagsamba sa umaga at gabi, ang hindi nagbabagong halimbawa ng mga magulang na nagmamahal at natatakot sa Diyos, natutuhan nilang magsumite sa Diyos bilang kanilang guro at handang magbigay sa Kanya ng katanggap-tanggap na paglilingkod bilang matapat na mga anak. Handa ang mga kabataang ito na katawanin sa mundo ang kapangyarihan at biyaya ni Cristo.— Child Guidance, p. 559. LBD 255.5