Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Katapatan sa mga Maliliit na Bagay, 3 Setyembre
Ang tapat sa kakaunti ay tapat din naman sa marami at ang ditapat sa kakaunti ay di rin naman tapat sa marami. Lucas 16:10. LBD 251.1
Nasasayang ang maraming oras sa pagnanais na makagawa ng isang dakilang bagay, ilang kamangha-manghang gawain, samantalang malapit sa kamay ang mga tungkulin, nawawala sa paningin ang pagganap na magpapabango sa buhay. Ang buhay na tulad kay Cristo sa tahanan ay magiging tulad ni Cristo sa iglesia. Ang kapabayaan sa mga mas maliliit na tungkulin, sa pagsisikap na maabot ang isang dakilang gawain, ang sumisira sa buhay ng marami.— Manuscript 19, 1892. LBD 251.2
Marami ang humahanga sa malalawak at malalim na ilog na gumagalaw sa kanyang pasulong na daan tungo sa karagatan. Karapat-dapat itong hangaan; sapagkat ginagawa nito ang itinalagang gawain sa kanya. Ngunit ano ang libong mga batis mula sa gilid ng bundok, na tumutulong upang lumaki ang magandang ilog na ito? Totoong maliit at makitid; ngunit kailangang-kailangan sila, sapagkat hindi iiral ang ilog kung wala sila. Magkakasama nilang ginagawa ang itinalagang gawain sa pagpapataba ng lupa; maaaring masubaybayan ang landas nila sa mga bukid at parang sa pamamagitan ng nabubuhay na berdeng lumilinya sa mga pampang nila. Sa gayon ginagawa nila ang plano ng Diyos, at nagdaragdag sa kaunlaran ng mundo. Isinuot ng malakas na ilog para sa sarili nito ang isang daluyan tungo sa walang-hanggang mga burol; ngunit sa lugar nito, kasing kailangan ng ilog ang batis. . . . LBD 251.3
Responsable para sa kaunlaran ng iglesia ang bawat indibiduwal na miyembro. Puno ng gawain para sa Panginoon ang mundo. Nagdadala ang bawat araw ng pasanin sa pangangalaga at responsibilidad; at kahit isa lamang ang nagpapabaya sa gawaing iniatas sa kanya, magdudusa ang ilang sagradong interes.— The Review and Herald, January 6, 1885. LBD 251.4
Ang maingat na pansin sa tinatawag ng mundo na mga maliliit na bagay ang nagpapadakila ng kagandahan at nagbibigay tagumpay sa buhay. Ang maliliit na gawa ng kawanggawa, salita ng kabaitan, gawa ng pagtanggi sa sarili, isang matalinong pagpapabuti ng maliit na mga pagkakataon, isang masikap na paglilinang ng maliit na mga talento, ang nagpapadakila sa tao sa paningin ng Diyos.— The Youth’s Instructor, April 21, 1898. LBD 251.5
Ang maalalahaning pag-iisip na nagsisimula sa ating mga pamilya, napalalawak sa labas ng sambahayan, ang tutulong upang mabuo ang kabuuan ng kaligayahan sa buhay.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 540. LBD 251.6