Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

247/367

Nagmumula sa Tahanan ang Tunay na Gawain ng Misyonero, 2 Setyembre

Sila’y kapwa matuwid sa harapan ng Diyos, at nabubuhay na walang kapintasan ayon sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon. Lucas 1:6. LBD 250.1

Sa pagbuo ng isang relasyon kay Cristo, babalik ang nabagong tao sa kanyang itinalagang relasyon sa Diyos. . . . Ang kanyang unang tungkulin ay sa kanyang mga anak at sa kanyang pinakamalapit na kamag-anak. Walang makapagpapaumanhin sa kanya mula sa pagpapabaya sa panloob na grupo para sa mas malaking grupo sa labas. Sa araw ng panghuling pagtutuos, ang mga ama at ina . . . ay tatanungin kung ano ang kanilang ginawa at sinabi upang masiguro ang kaligtasan ng mga kaluluwang inako nila na kanilang responsibilidad sa pagdadala sa mundo. Pinabayaan ba nila ang kanilang mga kordero, na iniwan sila sa pangangalaga ng mga estranghero? . . . Hindi makakansela ng isang mahusay na nagawa para sa iba ang utang na inutang sa Diyos na pangangalagaan ang inyong mga anak. Unang uunahin ang espirituwal na kapakanan ng inyong sambahayan.— The General Conference Bulletin, April 1, 1899. LBD 250.2

Sa tamang pagsasanay at paghuhubog ng isip ng kanyang mga anak, pinagkatiwalaan ang mga ina ng pinakadakilang misyon na ibinigay sa mga mortal.— Manuscript 29, 1886. LBD 250.3

Sa tuwing kukunin ninyo ang tungkuling pinakamalapit sa inyo, pagpapalain kayo ng Diyos, at pakikinggan ang iyong mga dalangin. Napakaraming gumagawa ng gawaing misyonero sa labas, habang naiwang hirap sa anumang mga pagsisikap na ito ang sarili nilang mga sambahayan—ang mawawasak sa pagpapabaya. . . . Ang makitang dumating ang pag-ibig, liwanag, at kagalakan sa tahanan ang unang gawaing misyonero. Huwag na tayong humanap ng ilang gagawing malaking pag-aalalay o gawaing misyonero hangga’t hindi pa natin nagagampanan ang tungkulin sa tahanan. Dapat natin isipin tuwing umaga, Anong mabuting kilos ang magagawa ko ngayon? Anong magandang salita ang maaari kong sabihin? Pinagpalang sikat ng araw ang mga mabubuting salita sa tahanan. Kailangan ito ng asawang lalaki, asawang babae, at mga anak. . . . Dapat ito ang maging hangarin ng bawat puso na gumawa ng mas maraming langit sa ibaba hangga’t maaari.— The Review and Herald, December 23, 1884. LBD 250.4

Ang isang kaluluwang naligtas sa sarili ninyong sambahayan o kapitbahayan, sa pamamagitan ng inyong pagtitiyaga at napakaingat na paggawa, ay magdadala ng maraming karangalan sa pangalan ni Cristo, at liliwanag na maliwanag sa inyong korona na parang natagpuan ninyo ang kaluluwang iyon sa China o India.— The Signs of the Times, November 10, 1881. LBD 250.5