Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Setyembre—Tayo Ay Kamanggagawa ng Diyos
Pribilehiyo sa Paggawa Kasama ang Diyos, 1 Setyembre
Sapagka’t kami ay mga kamanggagawa ng Diyos: kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos. 1 Corinto 3:9. LBD 249.1
Kung mapagtatanto lamang ninyong kukunin ng Diyos ng langit ang mga taong naging mga rebelde laban sa Kanyang pamahalaan, at sasabihin sa kanilang, Maaari kang maging mga manggagawang kasama Ko, itatalaga mo ngayong araw ang iyong sarili nang buo sa Kanya. LBD 249.2
. . . Hindi ba ito kahanga-hangang maaari nating matanggap ang mayamang agos ng biyaya mula sa Diyos, at gumawang kaisa sa Kanya? Ano ang gusto ng Diyos sa atin—mahirap, mahina, at masakiting tulad natin? Ano ang magagawa Niya sa atin?—Lahat, kung handa nating isuko ang lahat.— The Youth’s Instructor, May 3, 1900. LBD 249.3
Noong tinawag ako ng Diyos sa aking pagkabata upang gumawa para sa Kanya, iniisip ko dati na, Ano ang magagawa ko? Sinabi ng Diyos, Gawin mo ang Aking pinag-uutos. Ito ang lahat na dapat gawin ng sinuman sa atin. Nais kong sabihin kung ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa inyo, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata: Maaari kayong makipagtulungan sa Diyos, . . . at sa isa’t isa. . . . Hindi ninyo pag-aaralan kung paano malugod ang inyong sarili. Malalaman ninyong may pananagutan kayo sa impluwensyang ipinagkaloob ninyo. . . . LBD 249.4
“Kami ay mga kamanggagawa ng Diyos: kayo ang bukid ng Diyos.” Isipin ito! Nagsisikap Siyang gumawa sa ating isip, tulad ng iyong paggawa sa lupa. Sinusubukan Niyang maghasik ng binhing magbubunga sa Kanyang kaluwalhatian. Kayo ay “gusali ng Diyos.” Ngunit hindi Siya nagtatayo kung wala Siyang pakialam sa iyo.— The Youth’s Instructor, May 3, 1900. LBD 249.5
Kung isusuko natin ang ating buhay sa Kanyang paglilingkod, hindi tayo mailalagay sa isang kalagayan na hindi ginawang probisyon ng Diyos.— Christ’s Object Lessons, p. 173. LBD 249.6
Binuksan ni Jesus ang lahat ng banal na kaganapan ng Kanyang hindi maisaisip na pag-ibig, at sinasabi Niya sa iyong, “Kayo ay mga kamanggagawa ng Diyos.”— Letter 1a, 1894. LBD 249.7