Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Kailangang Nating Pasanin ang Ating Krus Araw-araw, 26 Agosto
Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa Akin, tanggihan niya ang kanyang sarili at magpasan ng kanyang krus sa arawaraw at sumunod sa Akin. Lucas 9:23. LBD 243.1
Tanging ang kapangyarihan ng krus lamang ang maaaring makapaghiwalay sa tao mula sa malakas na pagkakaugnay sa kasalanan. Ibinigay ni Cristo ang Kanyang Sarili para sa kaligtasan ng makasalanan. Ang mga taong pinatawad sa mga kasalanan, na nagmamahal kay Jesus, ay magiging kaisa sa Kanya. Dadalhin nila ang pamatok ni Cristo. Ang pamatok na ito ay hindi para pigilan sila, hindi para gawing di-kasiya-siyang gawain ang kanilang relihiyosong buhay. Hindi; ang pamatok ni Cristo ang dapat maging tunay na paraan kung saan magiging isang kasiyahan at kagalakan ang buhay Cristiano. Dapat magalak ang Cristiano sa pagninilay ng nagawa ng Panginoon sa pagbibigay ng Kanyang nag-iisang Anak upang mamatay para sa sanlibutan, “upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak ngunit magkaroon ng buhay na walang-hanggan.” LBD 243.2
Ang mga nakatayo sa ilalim ng bandilang nabahiran ng dugo ni Prinsipe Immanuel, ay dapat maging matapat na mga sundalo sa hukbo ni Cristo. Hindi sila dapat maging di-tapat, o maging di-totoo. Marami sa mga kabataan ang magboboluntaryong tumayo kasama si Jesus, ang Prinsipe ng buhay. Ngunit kung magpapatuloy silang tumayo sa Kanya, dapat silang patuloy na tumingin kay Jesus, ang kanilang Kapitan, para sa Kanyang mga utos. Hindi sila maaaring maging mga sundalo ni Cristo at nakikipag-ugnayan pa rin kay Satanas, at tumutulong sa mga nasa tabi niya, sapagkat magiging mga kaaway sila ni Cristo kung gayon. Mapagtataksilan nila ang mga sagradong tiwala.— The Youth’s Instructor, March 30, 1893. LBD 243.3
Ang krus . . . ay itataas at dinala nang wala kahit isang pagbulong o reklamo. Sa kilos na itaas ito, malalaman ninyong pinalalaki kayo nito. Makikita ninyo itong buhay na may awa, pakikiramay, at mapagmahal na pag-ibig.— Letter 145, 1900. LBD 243.4
Sa pamamagitan ng pagbubuhat sa krus, sa inyong karanasan ay maaari ninyong sabihing, ” ‘Alam kong nabuhay ang aking Manunubos,’ at dahil nabubuhay Siya, mabubuhay din ako.” Anong katiyakan ito!— Manuscript 85, 1901. LBD 243.5