Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

239/367

Inaalis ng Krus ang Maskara ng Pamahalaan ni Satanas, 25 Agosto

Inalisan niya ng sandata ang mga pinuno at ang mga may kapangyarihan at sila’y ginawa niyang hayag sa madla, na nagtatagumpay sa kanila sa pamamagitan nito. Colosas 2:15. LBD 242.1

Sa krus ng Kalbaryo, nakatayong magkaharap ang pag-ibig at pagkamakasarili. Narito ang kanilang pinakaimportateng paghahayag. Nabuhay lamang si Cristo upang magbigay aliw at pagpapala, at sa pagpatay sa Kanya, ipinakita ni Satanas ang masamang hangarin ng kanyang pagkamuhi sa Diyos. Ipinakita niyang ang tunay na layunin ng kanyang paghihimagsik ay upang agawan ng trono ang Diyos, at puksain Siya na Siyang naging daan para makita ang pag-ibig ng Diyos. LBD 242.2

Sa pamamagitan ng buhay at kamatayan ni Cristo, makikita rin ang mga pag-iisip ng mga tao. Mula sa sabsaban hanggang sa krus, ang buhay ni Jesus ay isang panawagan para sa pagsuko sa sarili, at pakikisama sa pagdurusa. Inilabas nito ang mga layunin ng mga tao. Dumating si Jesus kasama ang katotohanan ng langit, at maaakit sa Kanya ang lahat na nakikinig sa tinig ng Banal na Espiritu. Kabilang sa kaharian ni Satanas ang mga sumasamba sa sarili. Sa kanilang saloobin kay Cristo, magpapakita ang lahat kung saan sila pumanig. At sa gayon dadaan ang lahat sa paghuhukom sa kanyang sarili. LBD 242.3

Sa araw ng panghuling paghuhukom, mauunawaan ng bawat nawawalang kaluluwa ang likas na katangian ng kanyang sariling pagtanggi sa katotohanan. Ipapakita ang krus, at makikita ng bawat isip ang tunay na pagdadala nito na nabulag sa pamamagitan ng paglabag. Bago ang pangitain ng Kalbaryo kasama ang misteryosong Biktima nito, mananatiling hinatulan ang mga makasalanan. Aalisin ang bawat nagsisinungaling na dahilan. Lilitaw ang pagtalikod ng tao sa napakasamang karakter nito. Makikita ng mga tao kung ano ang napili nila. . . . Kapag nahayag ang mga saloobin ng lahat ng mga puso, magkasama ang matapat at mapaghimagsik sa pagpapahayag, “Matuwid at tunay ang Iyong mga daan, Ikaw na Hari ng mga bansa. Sinong hindi matatakot at luluwalhati sa Iyong pangalan O Panginoon? . . . sapagkat Iyong matuwid na gawa ay nahayag.— The Desire of Ages, pp. 57, 58. LBD 242.4

Kahit na natanggal ang lupa mula sa kontinente ng Langit at nahiwalay mula sa pakikipag-isa nito, ikinonekta muli ito ni Jesus sa saklaw ng kaluwalhatian.— The Signs of the Times, November 24, 1887. LBD 242.5