Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pasanin Natin ang Krus at Tanggihan ang Sarili, 27 Agosto
Ako’y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng Kanyang sarili dahil sa akin. Galacia 2:20. LBD 244.1
Ipinako si Cristo sa krus para sa nagkasalang tao. Ngunit sa maraming kumikilala sa kanilang sarili bilang mga Cristiano, walang saysay ang kaganapang ito. Tinatanggihan nila ang krus ni Cristo sa pagsasakabuhay. LBD 244.2
. . . Inamin nilang namatay si Cristo sa krus, ngunit dahil mayroong isang pagpapako sa krus na dapat nilang maranasan, hindi sila tatanggap ng mga araling humahantong sa pagtanggi sa sarili at pagsasakripisyo sa sarili. Mga Cristiano lamang sila sa pangalan. Hindi ang krus at nabuhay na Tagapagligtas ang pangunahing punto ng kanilang pananampalataya, na nagdadala sa lahat na tumatanggap sa Kanya ng pribilehiyong maging mga anak ng Diyos.— The Youth’s Instructor, July 7, 1898. LBD 244.3
Isuko ang kasiyahan ng kasalanan kapalit ng langit at buhay na walanghanggan. Ano ang ilang mga araw ng makasariling kasiyahan na naglalaman ng hindi tunay na pagguho ng kaligayahan, sa walang-hanggang kaligayahan na naghihintay sa tapat na kaluluwa? Huwag pigilan ang pag-ibig ni Cristo sa inyong kaluluwa. Tumingin sa krus ng Kalbaryo kung nagnanais kayo ng isang konkretong patunay ng Kanyang pag-ibig. Tinitingnan kayo ng langit na may matinding interes, upang makita kung ano ang inyong gagawin. Namamangha ang mga anghel kapag lumiko kayo mula sa pagwawalangbahala tungo sa mga pagpapalang inihandog sa inyo. Kung tumanggi kayong tumugon sa nakaaakit na pag-ibig ni Cristo, lalago kayong mapaghimagsik at suwail sa huli.— The Youth’s Instructor, March 2, 1893. LBD 244.4
Napagtanto ni Pablo na hindi sa kanyang sarili ang kanyang kasapatan, ngunit sa presensya ng Banal na Espiritu, na pumuno sa kanyang puso ng mabiyayang impluwensya, na dinadala ang bawat pag-iisip sa pagpapasakop kay Cristo. . . . Sa mga turo ng apostol, si Cristo ang pangunahing pigura. “Nabubuhay ako,” ipinahayag niya, “ngunit hindi ako, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin.” Naitatago ang sarili; ipinahayag at itinaas si Cristo.— The Acts of the Apostles, p. 251. LBD 244.5
Ang mga tumatanggi sa sarili upang gumawa ng mabuti sa iba, at nagtalaga ng kanilang sarili at lahat ng mayroon sila sa paglilingkod kay Cristo, ay mapagtatanto na ang kaligayahang hinahangad ng makasariling tao ay sa walang kabuluhan.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 397. LBD 244.6