Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

238/367

Magsasalubong ang Kahabagan at Hustisya sa Krus, 24 Agosto

Magsasalubong ang tapat na pag-ibig at katapatan, ang katuwiran at kapayapaan ay maghahalikan. Awit 85:10. LBD 241.1

Magkahiwalay ang Hustisya at Kahabagan, sa pagsalungat sa isa’t isa, na pinaghiwalay ng isang malawak na look. Binihisan ng Panginoon na ating Manunubos ang Kanyang pagka-Diyos ng katauhan, at gumawa para sa tao ng isang karakter na walang bahid o walang kapintasan. Inilagay Niya ang Kanyang krus sa pagitan ng langit at lupa, at ginawa itong bagay na pang-akit na umabot sa parehong paraan, inilalapit ang Hustisya at Awa sa ibayo ng look. . . . Doon nakita nito ang Isang kapantay ng Diyos na nagdadala ng parusa sa lahat ng kawalang-katarungan at kasalanan. Sa perpektong kasiyahan napayuko ang hustisya sa paggalang sa krus, na sinasabing, Sapat na ito. LBD 241.2

Sa pamamagitan ng handog na ginawa para sa atin, inilagay tayo sa mataas na posisyon. Ang makasalanan, na inilabas ng kapangyarihan ni Cristo mula sa pagkakaugnay sa kasalanan, ay lumalapit sa nakataas na krus, at nagpatirapa sa harap nito. Pagkatapos, mayroong isang bagong nilalang kay Cristo Jesus. Nalinis at nadalisay ang makasalanan. Ibinigay sa kanya ang Isang bagong puso. Nalalamang wala nang hihilingin pa ang kabanalan. Kinasasangkutan ang gawain ng pagtubos ng mga kahihinatnan kung saan mahirap para sa tao na magkaroon ng anumang pagkaunawa. Kailangang ibigay sa taong nagsisikap na umayon sa banal na imahen ang isang paggugol sa mga kayamanan ng langit, isang kahusayan ng kapangyarihan, na ilalagay siyang mas mataas kaysa mga anghel na hindi nagkasala. Nalabanan na ang laban, nakamit na ang tagumpay. Inangat ng kontrobersya sa pagitan ng kasalanan at katuwiran ang Panginoon ng langit, at itinatag sa harapan ng naligtas na sambahayan ng tao, sa harapan ng hindi nagkasalang mga mundo, sa harapan ng lahat ng mga hukbo ng masasamang manggagawa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamaliit, ang kabanalan, awa, kabutihan, at karunungan ng Diyos.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 241.3

Si Cristo sa krus ang paraan upang makapagsalubong ang kahabagan at katotohanan, at maghalikan ang katuwiran at kapayapaan.— The General Conference Bulletin, April 1, 1899. LBD 241.4

Dapat magbigay ang kadakilaan ng kaloob na ito sa mga tao ng isang tema ng pasasalamat at papuring tatagal sa panahon at sa walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, December 13, 1894. LBD 241.5