Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

237/367

Tiniis ni Cristo ang Krus Para sa Atin, 23 Agosto

At palibhasa’y natagpuan sa anyo ng tao, Siya’y nagpakababa sa Kanyang sarili, na naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. Filipos 2:8. LBD 240.1

Para sa kagalakang inilagay sa harap Niya, tiniis ni Cristo ang krus, hinamak ang kahihiyan, at inilagay magpakailan man sa kanang kamay ng Diyos. Namatay siya sa krus bilang isang sakripisyo para sa mundo, at dumating sa pamamagitan ng sakripisyong ito ang pinakadakilang pagpapalang maibibigay ng Diyos,—ang kaloob ng Banal na Espiritu. Para sa lahat ng tatanggap kay Cristo ang pagpapalang ito. LBD 240.2

Lugar ng labanan ang nagkasalang mundo para sa pinakadakilang digmaang nasaksihan ng makalangit na sansinukob at makalupang kapangyarihan. Itinalaga ito bilang teatro kung saan maglalaban ang malaking pagbabaka sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng langit at impyerno. Kabahagi ang bawat tao sa salungatang ito. Walang maaaring tumayo sa gitna. Dapat tanggapin o tanggihan ng mga tao ang Manunubos ng mundo. Mga saksi ang lahat, para o laban kay Cristo. Nanawagan si Cristo sa mga tumayo sa ilalim ng Kanyang bandila upang makisali sa labanan sa Kanya bilang matapat na mga sundalo, upang magmana sila ng korona ng buhay. Inampon sila bilang mga anak ng Diyos. Iniwan sa kanila ni Cristo ang Kanyang katiyakang pangako na malaki ang magiging gantimpala sa kaharian ng langit ng mga nakikibahagi sa Kanyang kahihiyan at pagdurusa para sa katotohanan. LBD 240.3

Hinahamon ng krus ng Kalbaryo, at lulupigin sa wakas, bawat makalupa at malaimpiyernong kapangyarihan. Nakasentro sa krus ang lahat ng impluwensya, at lumalabas mula rito ang lahat ng impluwensya. Ito ang malaking sentro ng atraksyon, sapagkat dito isinuko ni Cristo ang Kanyang buhay para sa lahi ng tao. Inihandog ang sakripisyong ito para sa layunin ng pagpapanumbalik ng tao sa kanyang orihinal na kasakdalan; oo, higit pa. Inalok ito upang bigyan siya ng isang buong pagbabago ng karakter, na ginagawa siyang higit pa sa manlulupig. Ang mga nagtagumpay sa lakas ni Cristo sa malaking kaaway ng Diyos at ng tao, ay ookupa ng posisyon sa korte ng langit na mataas kaysa mga anghel na hindi bumagsak.— The General Conference Bulletin, April 1, 1899. LBD 240.4