Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

231/367

Huwag Magmapuri sa mga Talento at Impluwensya, 17 Agosto

Sinumang nagsasalita ay gawin iyon ng tulad sa nagsasalita ng mga aral ng Diyos; sinumang naglilingkod ay tulad sa naglilingkod mula sa kalakasang ibinigay ng Diyos upang ang Diyos ay maluwalhati sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa Kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan man. Amen. 1 Pedro 4:11. LBD 234.1

Si Cristo ang huwaran natin, at di-lalakad sa kadiliman ang mga sumusunod kay Cristo; dahil hindi nila hahanapin ang kanilang sariling kasiyahan. Ang pagluwalhati sa Diyos ang patuloy na magiging pakay ng kanilang buhay. . . . Ngunit ilan na ang pinagkatiwalaan ng mga talento ng mga kayamanan at impluwensya ang nawala sa huwaran, at sumunod sa pamantayan ng mundo. . . . Ang mga kalalakihan at kababaihang pinagpala ng maraming pera, ng mga bahay at lupa, ay sinasanay sa pangkalahatan ang kanilang mga anak sa buhay ng katamaran at makasariling pagpapakasasa. Nawawalan ng silbi sila sa gayon sa buhay na ito, at hindi karapat-dapat sa hinaharap, na imortal na buhay. . . . Tinuruan ang mga kabataan ngayon na maniwalang nasusukat ang tao sa pera.— The Youth’s Instructor, October 18, 1894. LBD 234.2

Wala sa ating mga talento ng edukasyon o kayamanan ang ating kapang-yarihan, ni sa ating katanyagan; ito ay sa pagsasakripisyo ng sarili, kusang pagsunod kay Jesu-Cristo. Ang mga tunay na sumuko ng lahat sa Kanya, ay magdadala ng bigat na impluwensya, at magdadala sa iba kasama sila, sapagkat lumalakad sila sa liwanag. Hindi magiging sapat ang kapangyarihan ng utak, may maliit na kabuluhan lamang sa Diyos ang kapangyarihan ng pitaka; ngunit ang kapangyarihan ng puso, masidhing kabanalan, mapagpakumbabang katapatan, ay magdadala ng bigat ng impluwensyang di-maiiwasan.— The Youth’s Instructor, September 6, 1894. LBD 234.3

Hindi ba natin ilalaan ang ating mga sarili sa Diyos nang walang reserba? Si Cristo, na Hari ng kaluwalhatian, ay ibinigay ang Kanyang sarili bilang isang pantubos sa atin. Maaari ba tayong magtago ng anumang bagay sa Kanya? Dapat ba nating ipalagay na napakahalaga ng ating salat at di-karapat-dapat na sarili, na napakaimportante ng ating oras at pagmamay-ari, para ibigay kay Jesus?—Hindi, hindi; ang pinakamalalim na pagsamba ng ating mga puso, ang pinakamahusay na paglilingkod ng ating mga kamay, ang ating mga talento ng kakayahan at paraan,—napakasalat na handog ang lahat upang dalhin sa Kanyang pinatay at “sa pamamagitan Iyong dugo ay binili mo para sa Diyos ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.”— The Review and Herald, March 15, 1887. LBD 234.4