Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

232/367

Magmapuri Tayo sa Muling Pagkabuhay ni Cristo, 18 Agosto

Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay. At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Juan 11:25, 26. LBD 235.1

Matapos ang pagpapako sa krus ni Cristo, hindi nadama ng mga pari at pinuno ang pakiramdam ng tagumpay na kanilang inaasahan. Hindi sila nagalak sa kanilang tagumpay sa pagpatahimik sa tinig ng Dakilang Guro. Natakot sila. Tumatawag ng pansin ang Kanyang kamatayan sa Kanyang buhay at karakter. Napatunayan ng mga pari na nabigo ang kanilang mga pagtatangka sa paghihiganti; at mas higit ang naging takot nila sa isang patay na si Cristo kaysa isang nabubuhay na Cristo. . . . LBD 235.2

Pumaligid sa libingan ang liwanag ng langit, at naliwanagan ang buong langit ng kaluwalhatian ng anghel. Lumapit ang anghel sa libingan, at iginulong ang bato na parang isang maliit na bato, umupo siya rito. Saka narinig ang kanyang tinig, Anak ng Diyos, lumabas Ka; tinatawag Ka ng Iyong Ama; at lumabas si Jesus mula sa libingan na may hakbang ng isang makapangyarihang manlulupig. Mayroong isang pagsambulat ng tagumpay, sapagkat naghihintay Siyang tanggapin ng makalangit na sambahayan; at ang makapangyarihang anghel, na sinusundan ng hukbo ng langit, ay yumukod sa harap Niya habang Siya, ang Hari ng langit, ay nagpahayag sa libingan ni Jose, “Ako ang muling pagkabuhay, at ang buhay.”— The Youth’s Instructor, July 28, 1898. LBD 235.3

Nabubuhay ang lahat ng nilalang ayon sa kalooban at kapangyarihan ng Diyos. Mga tagatanggap sila ng buhay ng Anak ng Diyos. Gaano man ang kanilang kakayahan at talento, gaano man kalaki ang kanilang mga kapasidad, napupuno sila ng buhay na galing sa Pinagmulan ng lahat ng buhay. Siya ang bukal, ang balon, ng buhay. . . . Muli Niyang kinuha at ibinigay sa sangkatauhan ang buhay na inilagay Niya sa sangkatauhan, “Ako’y pumarito,” sabi niya, “upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.”— The Youth’s Instructor, August 4, 1898. LBD 235.4

Naging kaisa sa sangkatauhan si Cristo, upang maaaring maging isa sa Espiritu at buhay ang sangkatauhan sa Kanya. Sa pamamagitan ng birtud ng unyon na ito sa pagsunod sa Salita ng Diyos, naging kanilang buhay ang Kanyang buhay. Sinasabi niya sa nagsisisi na, “Ako ang muling pagkabuhay, at ang buhay.” LBD 235.5