Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Hindi Tayo Dapat Magmapuri sa Ating mga Sarili, 16 Agosto
Kundi ang nagmamapuri dito ay magmapuri, na kanyang nauunawaan at nakikilala ako, na ako ang Panginoon. Jeremias 9:24. LBD 233.1
Wala sa tamang posisyon ang lahat ng pagmamalaki ng merito sa ating sarili.— Christ’s Object Lessons, p. 401. LBD 233.2
Ang utos ay hindi, Hayaan ang nagluluwalhati na luwalhatiin ang kanyang sarili, kundi ang Diyos. . . . Mayroong, kung gayon, walang batayan para kunin ng mga tao kaluwalhatian sa kanilang mga sarili. Sapagkat bawat pagpapalang tinatamasa nila, bawat mabuting katangiang tinataglay nila, ay utang nila ito sa biyaya ni Cristo. Walang dapat magtaas ng kanilang sarili na nagtataglay siya ng karunungan o katuwiran. . . . LBD 233.3
Ang mga may pinakamalalim na karanasan sa mga bagay ng Diyos, ang pinakamalayong naalis mula sa pagmamataas o pagpaparangal sa sarili. Mayroon silang mapagpakumbabang pag-iisip sa sarili, at pinakamataas na mga konsepto sa kaluwalhatian at kahusayan ni Cristo. . . . Kapag nakapirmi ang ating mga mata sa langit, at may malinaw tayong mga pananaw sa karakter ni Cristo, itataas natin ang Panginoong Diyos sa ating mga puso. LBD 233.4
Habang nakikilala ng isang tao ang kasaysayan ng Manunubos, nadidiskubre niya sa kanyang sarili ang mga seryosong depekto; napakalaki ng kanyang di-pagkakatulad kay Cristo na nakikita niya ang pangangailangan para sa mga radikal na pagbabago sa kanyang buhay. Nag-aaral pa rin siyang may pagnanais na maging katulad ng kanyang dakilang Ehemplo. Sinasalo niya ang mga hitsura, ang espiritu, ng kanyang minamahal na Guro. Sa pamamagitan ng pagtingin . . . nababago siya sa parehong larawan. LBD 233.5
Hindi natin matutularan ang buhay ni Jesus sa pamamagitan ng malayong pagtingin sa Kanya, ngunit sa pakikipag-usap tungkol sa Kanya, sa pananatili sa Kanyang kaperpektuhan, sa paghahangad na madalisay ang lasa at maitaas ang karakter, sa pagsubok, sa pananampalataya at pag-ibig, at sa masigasig at nagsusumikap na paggawa, na malapitan ang perpektong Huwaran. Sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol kay Cristo,—ang Kanyang mga salita, mga gawi, at mga aralin sa pagtuturo,—hinihiram natin ang mga birtud ng karakter na mabuti nating napag-aralan, at mapupuno ng espiritung labis nating hinangaan. Si Jesus sa atin ay nagiging “pinakapuno sa sampung libo,” ang Isang “lubos na kaibig-ibig.”— The Review and Herald, March 15, 1887. LBD 233.6