Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

229/367

Hindi Tayo Dapat Magmapuri sa Kayamanan, 15 Agosto

Huwag magmapuri ang mayaman sa kanyang kayamanan.Jeremias 9:23. LBD 232.1

Hindi dapat magluwalhati ang mayamang tao sa kanyang kayamanan. Kung ipipirmi natin ang ating mga paggiliw sa mga makamundong bagay, mabibigo tayong itaas si Cristo. Pananatilihin ni Satanas ang ating isipan na mapuno ng mga bagay ng buhay na ito, upang mawala ang paningin natin sa mas mataas na buhay; ngunit hindi natin kayang sumuko sa kanyang mga kasangkapan. Si Cristo ang pinagmulan ng lahat ng temporal, pati na rin ng lahat ng mga espirituwal na pagpapala. Kung binigyan Niya tayo ng kayamanan, hindi ito upang angkinin natin bilang atin. “Huwag kayong magtipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa lupa, na dito ay naninira ang bukbok at ang kalawang at ang mga magnanakaw ay nakapapasok at nakapagnanakaw; kundi magtipon kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit. . . .” Binilang ni Pablo na wala ang lahat ng mga bagay upang makamit niya si Cristo. Ngunit kapag tinawag ng Tagapagligtas ang ating mga pag-aari at paglilingkod, maraming nakakitang hindi nila masusunod ang Diyos at madadala ang kanilang mga kayamanan sa lupa, at nagpapasya silang manatili sa kanilang mga kayamanan. . . . LBD 232.2

Paano ang mga umaasang makatayo sa paligid ng trono ni Cristo, at mabibihisan ng Kanyang katuwiran, ay hindi nagtitiwala sa Diyos, at natatakot na iwan Niya sila sa pangangailangan? Nasaan ang kanilang pananampalataya? Pinapakain ng ating Ama sa Langit ang mga uwak, at hindi ba Siya higit na magpapakain sa atin? . . . Kung mayroon tayong tamang pananaw tungkol kay Cristo, hindi natin papayagang may makagambala sa pagitan natin at Niya. . . . Ang mga nag-aaral na makita kung gaano kalapit silang mabubuhay sa mundo at magkaroon pa ng langit, ay darating na malapit lamang na pagsarhan mula sa langit. Dapat nating tanggapin ang paghihirap na bahagi ng relihiyon kung makauupo tayo kasama ang Nagdurusa sa Kanyang trono.— The Review and Herald, March 15, 1887. LBD 232.3

Bagaman naaayon naman sa batas na makakuha tayo ng mga kayamanan, dapat na ituring na atin lamang sa tiwala ang perang tinatamo natin, hindi dapat lustayin, kundi gugulin sa paglilingkod sa Panginoon. Dapat itong maging determinado nating layunin na sundin ang mga utos ng ating Kapitan, at magtataglay sa gayon para sa ating sarili ng kayamanan sa langit. Kung gayon, kung nawawala ang lahat sa mundong ito, magkakaroon tayo ng kayamanan sa langit, na hindi mabibigo.— Manuscript 29, 1886. LBD 232.4