Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

228/367

Hindi Tayo Dapat Pumuri sa Makasanlibutang Karunungan, 14 Agosto

Huwag magmapuri ang marunong sa kanyang karunungan. Jeremias 9:23. LBD 231.1

Hindi dapat magalak ang mga tao sa kanilang karunungan, lakas, o kanilang kayamanan, kundi sa katotohanang mayroon silang isang kaalaman tungkol kay Cristo. Ang kaalamang ito ang pinakamahuhusay, pinakamahalaga, na maaari nating makamit. Ito ang pangako ng buhay na walang-hanggan. Sapagkat “ito ang buhay na walang-hanggan, upang makilala natin na Ikaw ang nag-iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo, na Iyong ipinadala.” Hindi ito mabibili ng pera, hindi ito mauunawaan ng pag-iisip, hindi ito mauutusan ng kapangyarihan; ngunit malayang ibinibigay sa lahat na tatanggap nito ang maluwalhating biyaya ng Diyos. Ngunit maaaring maramdaman ng mga tao ang kanilang pangangailangan, at, itakwil ang lahat ng pagdepende sa sarili, at tumanggap sa kaligtasan bilang isang regalo. Hindi susukatin ng mga pumapasok sa langit ang mga pader nito sa pamamagitan ng kanilang sariling katuwiran, o mabubuksan sa kanila ang mga pintuan nito dahil sa mga mamahaling handog na ginto o pilak; ngunit makapapasok sila sa maraming mga mansyon ng bahay ng Ama sa pamamagitan ng mga merito ng krus ni Cristo. . . . LBD 231.2

Di-nakararamdam ang mga matuwid sa sarili ng pangangailangan kay Cristo. At kapag pinupuri ng mga nagpahayag ng Kanyang pangalan ang kanilang sariling karunungan at kabutihan, nagbibigay sila ng katibayan na hindi Siya nila nakikilala. Sa sandaling ipinahayag si Cristo sa kaluluwa, nararamdaman ng makasalanan na ang tanging pag-asa niya ay nasa Kordero ng Diyos bilang kabayaran sa kasalanan. Sa pagsisimulang buksan ni Cristo ang Kanyang pagibig sa harap niya, tingnan ang epekto, at makikita kung ano ito. Maraming di-kilalang tao ang nag-aangkin ng karanasang ito sa pag-ibig ni Cristo. Ngunit kung hahantong ito sa pagpapakumbaba sa kanyang sarili, . . . kung magbibigay siya ng katibayan na ang gantimpalang langit ay higit na mahalaga sa kanya kaysa kanyang makamundong pag-aari, malalaman nating ang mga sinag ng buhay mula kay Cristo ang sumisikat sa kanyang kaluluwa. LBD 231.3

Kung wala si Cristo, kamangmangan ang karunungan ng tao sa lahat ng anyo nito; para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang sariling karunungan, nawala ang kawalang-hanggan sa kanilang pagbibilang. . . . Sa lahat ng naniniwala kay Jesus na makapagliligtas hanggang sa sukdulan ng lahat ng darating sa Diyos sa Kanya, ebanghelyo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.— The Youth’s Instructor, January 19, 1893. LBD 231.4