Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Hindi Dapat Tayo Magluwalhati sa mga Tao, 13 Agosto
Nalalaman ng Panginoon na ang pangangatwiran ng marurunong ay walang kabuluhan. Kaya’t huwag magmalaki ang sinuman sa mga tao. 1 Corinto 3:20, 21. LBD 230.1
Nabubuhay tayo sa isang panahon ng kahalayan, at matapang sa kasalanan ang mga kalalakihan at kabataan. Malibang sagradong mababantayan ang ating kabataan, malibang pinatibay sila ng mga matatag na alituntunin, malibang mas malaking pangangalaga ang ipinakikita sa pagpili ng kanilang mga kasama at panitikan na nagpapakain sa isip, mapalalantad sila sa isang lipunan na ang moralidad ay kasing sama ng moral ng mga taga-Sodoma. . . . Makatatagpo ang ating mga kabataan ng mga tukso sa bawat panig, at dapat silang maturuan upang dumipende sila sa mas mataas na kapangyarihan, mas mataas na turo, kaysa maibibigay ng mga mortal. Mayroong mga humahamak sa ating Panginoon sa lahat ng dako, na nagbibigay kaguluhan sa Cristianismo. . . . di-makatatayo ang mga walang moral na kapangyarihan sa pagtatanggol sa katotohanan; wala silang tapang na magsasabing: “Maliban timigil ang gayong pag-uusap, hindi ako maaaring manatili sa iyong harapan. Si Jesus na Manunubos ng sanlibutan ang aking Tagapagligtas; sa Kanya nakasentro sa aking pagasa sa buhay na walang-hanggan.” Ngunit ito ang mismong paraan upang patahimikin sila. Kung makikipagtalo kayo sa kanila, magkakaroon sila ng mga sagot na argumento at wala kayong masasabing makahahawak sa mga ito; ngunit kung nabubuhay kayo para kay Cristo, kung matatag kayo sa inyong katapatan sa Diyos ng langit, may magagawa kayo sa kanila na dimakakayang magawa ng argumento. . . . LBD 230.2
Walang nakalulungkot na paningin kaysa mga binili ng dugo ni Cristo, na pinagkatiwalaan ng mga talento kung saan nila maluluwalhati ang Diyos, na ibabalik ang mga mensaheng mabiyayang ipinadala sa kanila sa ebanghelyo, tinatanggihan ang pagka-Diyos ni Cristo, at nagtitiwala sa kanilang sariling mga may hangganang pangangatuwiran, at sa mga argumentong walang pundasyon. Kapag nasubok sa pagdurusa, kapag hinarap sa kamatayan, matutunaw ang lahat ng mga kamaliang ito na kanilang tinaglay tulad ng hamog na nagyelo sa harap ng araw. . . . nakaangkla ang pag-asa ng Cristiano sa kaluluwa, na parehong tiyak at matatag.— The Signs of the Times, April 21, 1890. LBD 230.3