Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Makaluluwalhati Lamang Tayo sa Pamamagitan ng Krus, 12 Agosto
Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan nito ang sanlibutan ay ipinako sa krus para sa akin, at ako’y sa sanlibutan. Galacia 6:14. LBD 229.1
Ang krus ni Cristo,—gaano karaming naniniwala dito kung ano ito? Ilan ang nagdadala nito sa kanilang pag-aaral, at nakaaalam ng totoong kabuluhan nito? Hindi maaaring magkaroon ng isang Cristianong mundo kung wala ang krus ni Cristo. . . . Lumiko mula sa mga halimbawa ng mundo, itigil ang pagpapuri sa mga dakilang nagpapakilalang dakilang tao; iiwas ang isip mula sa kaluwalhatian ng lahat maliban sa krus ni Cristo. Sinabi ni Pablo, “Subalit Huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Paningoong Jesu-Cristo.” Hayaan ang lahat, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa, na maunawaan kung ano ang kahulugan ng maluwalhati sa krus ni Cristo. Dapat matapang at magiting na dalhin ang krus na iyon. Ipinahayag ni Cristo, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, at pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.” At sa lahat na magtataas nito, at bubuhatin itong kasama ni Cristo, isang pangako ng korona ang krus ng kaluwalhatian na hindi maaaring maglaho. . . . LBD 229.2
Ito ang pinakamataas na siyensyang maaari nating malaman,—ang siyensya ng kaligtasan. Ang krus ng Kalbaryo, na itinuturing na tama, ay tunay na pilosopiya, dalisay at walang dungis na relihiyon. Ito ay buhay na walanghanggan sa lahat ng naniniwala. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, linya sa linya, tuntunin sa tuntunin, kaunti rito at kaunti roon, dapat itong maikintal sa mga isipan . . . na kasing epektibo ngayon ang krus ni Cristo na katulad sa panahon ni Pablo, at dapat perpektong naintindihan nila gaya ng pagkaintindi ng dakilang apostol. . . . LBD 229.3
Alamin na ang tanging bagay na maaari ninyong ligtas na maluwalhati ay ang magbubukas sa inyo ng mga pintuang-bayan ng lunsod ng Diyos. Alamin mula sa Salita ng Diyos kung paano bumuo ng mga karapat-dapat na karakter para sa bansang hinahanap ninyo. Alamin na ilalagay si Cristo sa gitna ninyo, upang ang lahat na nawala kay Adan ay ganap na ibabalik ng krus ni Cristo sa bawat nananalig na kaluluwa.— The Youth’s Instructor, July 7, 1898. LBD 229.4