Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mabubuhay ang Lahat ng Titingin sa Krus, 3 Agosto
Kaya’t si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at kapag may nakagat ng ahas, at tumingin sa ang taong iyon sa ahas na tanso ay nabubuhay. Bilang 21:9. LBD 220.1
Iningatan ng Panginoong Jesus ang mga anak ni Israel mula sa makamandag na mga ahas sa ilang, ngunit hindi nila nalalaman ang bahagi ng kasaysayang ito. Sinamahan sila ng mga anghel mula sa langit, at haligi ng ulap sa araw at haligi ng apoy sa gabi. Si Cristo ang naging proteksyon nila sa buong paglalakbay. Ngunit naging makasarili at di-kuntento, at upang di-malimutan ang Kanyang pangangalaga sa kanila, binigyan sila ng Diyos ng mapait na liksyon. Pinahintulutan Niya silang makagat ng mga makamandag na ahas, ngunit sa Kanyang malaking kahabagan hindi Niya sila iniwan upang mamatay. Inatasan si Moises na itaas ang may halong tansong ahas sa tikin, at magpahayag na mabubuhay ang sinumang titingin dito. At nabuhay nga ang lahat ng tumingin. Madali nilang nabawi ang kanilang lakas. . . . Ano ngang kakaibang simbolo ni Cristo ang katulad ng mga ahas na tumuklaw sa kanila. Itinaas ang simbolong ito sa isang tikin, at kailangan nilang tumingin dito upang gumaling. Kaya si Jesus ay ginawang kagaya ng isang makasalanang laman. Dumating Siya bilang tagapagdala ng kasalanan. . . . LBD 220.2
Ang ganito ring kagalingan, nagbibigay-buhay na mensahe ang tumutunog ngayon. Tumutukoy ito sa itinaas na Tagapagligtas sa nakahihiyang punong kahoy. Silang lahat na mga kinagat ng matandang ahas, ang Diablo, ay tinatawagan upang tumingin at mabuhay. . . . Tumingin lamang kay Jesus bilang inyong katuwiran at sakripisyo. Habang inaaring ganap kayo sa pananampalataya, gagaling ang nakamamatay na kagat ng ahas.— Letter 55, 1895. LBD 220.3
Kung wala ang krus, di-magkakaroon ng pakikipagkaisa ang tao sa Ama. Dito nakasalalay ang lahat ng ating pag-asa. Sumisinag mula dito ang liwanag ng pag-ibig ng Tagapagligtas; at kapag sa paanan ng krus tumingin ang makasalanan paitaas sa Isang namatay upang iligtas siya, magagalak siyang may buong kaligayahan; sapagkat pinatawad ang kanyang kasalanan. Lumuluhod ng may pananampalataya sa krus, narating niya ang pinakamataas na kalagayan na maaaring makamit ng tao.— The Acts of the Apostles, pp. 209, 210. LBD 220.4