Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

218/367

Ang Krus ni Cristo na Dapat Itayo sa Ating mga Tahanan, 4 Agosto

Sinabi ni Jesus, Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na Ako nga Siya, at wala Akong ginagawa mula sa Aking sarili kundi sinasabi Ko ang mga bagay na ito ayon sa itinuro sa Akin ng Ama. Juan 8:28. LBD 221.1

Kailangang maitaas si Cristo ng mga tinubos sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa krus ng isang nakahihiyang kamatayan. May kuwentong dapat ibahagi siyang nakaramdam ng kapangyarihan ng biyaya ni Cristo. Nagsisikap siyang gamitin ang mga pamamaraan ng paggawa na magpapalaganap ng ebanghelyo ni Cristo. Ang sangkatauhan, na kumukuha ng kakayahan nito mula sa dakilang pinagmumulan ng karunungan, ay ginawang instrumento, mga gumagawang ahensya, na ginagamitan ng nakapagbabagong kapangyarihan ng ebanghelyo sa isip at puso. . . . LBD 221.2

Kailangang gamitin ang lahat ng kapangyarihan para kay Cristo. Utang natin lahat ito sa Diyos. Sa paghubog ng relasyon kay Cristo, makababalik ang isang binagong tao sa kanyang naitalagang relasyon sa Diyos. . . . Nakalatag sa palibot niya ang kanyang gawain, sa malapit at sa malayo. Sa kanyang mga anak at mga malalapit na kamag-anak ang kanyang unang gawain. Walang siyang maidadahilan sa pagkalimot ng gawain sa loob para sa mas malaking gawain sa labas. . . . LBD 221.3

Mayroong maliliit na iglesia sa ilang mga bahay sa loob ng tahanan. Ang pagibig sa isa’t isa ang nagbubuklod sa bawat puso, at ang pagkakaisang nabubuo sa bawat miyembro ng pamilya ang nangangaral ng pinakaepektibong sermon na maaaring maipangaral sa isang praktikal na pagkamaka-Diyos. Habang matapat na ginagawa ng mga magulang ang kanilang bahagi sa pamilya, pumipigil, nagtutuwid, nagpapayo, at gumagabay,—ang ama bilang pari ng sambahayan, ang ina bilang misyonero ng sambahayan,—ginagampanan nila ang gawaing ninanais ng Diyos na kanilang gampanan. Sa matapat na paggawa ng kanilang mga gawain sa tahanan, pinararami nila ang mga ahensya sa paggawa ng mabuti sa labas ng tahanan. Lalo silang nagiging akma sa paggawa sa iglesia. Sa maingat na pagsasanay sa kanilang maliit na kawan, sa pagbubuklod ng kanilang mga anak sa kanilang sarili at sa Diyos, nagiging kamanggagawa ng Diyos ang ama at ina. Naitayo ang krus sa kanilang mga tahanan. Magiging kabahagi ang mga miyembro ng pamilya sa maharlikang pamilya sa itaas, mga anak ng makalangit na Hari.—The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 221.4