Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Inilapit ang Sangkatauhan sa Itinaas na Tagapagligtas, 2 Agosto
At Ako, kapag Ako’y itinaas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay papalapitin Ko sa Aking sarili. Juan 12:32. LBD 219.1
Hindi kailan man nagkaroon ng gayong isang pangkalahatang kaalaman tungkol kay Jesus na katulad ng kanyang pagkabayubay sa krus. Itinaas Siya mula sa lupa, upang ilapit ang lahat sa Kanya. Sa mga puso ng maraming nakakita ng eksena ng pagpako, at nakarinig ng salita ni Jesus, ay sisinag ang liwanag ng katotohanan. Ipahahayag silang kasama si Juan na, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Mayroong mga hindi nagpahinga hanggang, sa pagsisiyasat ng mga kasulatan at pagkukumpara ng sipi sa sipi, nakita nila ang kahulugan ng misyon ni Cristo. Nakita nilang walang bayad na pagpapatawad ang inilaan Niya na sa Kanyang mapagmahal na kahabagan ay niyakap ang buong sanlibutan, binasa nila ang mga propesiya tungkol sa Cristo, at ang mga pangakong walang bayad at puno, na tumutukoy sa isang bukal na bukas para sa Judea at Jerusalem.— The Desire of Ages, pp. 755, 756. LBD 219.2
Ang sakripisyo ni Cristo bilang kabayaran sa kasalanan ay ang dakilang katotohanan kung saan pumapalibot ang lahat ng kumpol ng ibang mga katotohanan. Para tamang maintindihan at pahalagahan, bawat katotohanan sa Salita ng Diyos, mula Genesis hanggang Apocalipsis, ay dapat pag-aralan sa liwanag na dumadaloy mula sa krus ng Kalbaryo, at kaugnay sa kamangha-manghang, pangunahing katotohanan ng pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Lalago sa biyaya at kaalaman silang mga nag-aral ng kamangha-manghang sakripisyo ng Tagapagligtas. LBD 219.3
Inihaharap ko sa inyo ang dakila, pinakamahalagang bantayog ng kaawaan at pagpapanibagong-buhay, kaligtasan at katubusan,—ang Anak ng Diyos na itinaas sa krus ng kalbaryo. Ito ang dapat maging tema ng bawat diskurso.— Manuscript 70, 1901. LBD 219.4
Nag-aanyaya si Jesus at naglalapit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng mga puso ng bata at matanda sa Kanya. . . . Kapag ipinangaral si Cristo na ipinako, ipinakikita ang kapangyarihan ng ebanghelyo sa pamamagitan ng impluwensyang sinisikap nito sa mananampalataya. Sa lugar ng mga nananatiling patay sa pagkakasala at kasalanan, napukaw siya.— The Youth’s Instructor, January 19, 1893. LBD 219.5
Itaas ang Lalaki sa Kalbaryo nang mataas na mataas; may kapangyarihan sa pagtataas ng krus ni Cristo.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 434. LBD 219.6