Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

210/367

Upang Itaas ang Pamantayan, 27, Hulyo

Kayo’y dumaan, kayo’y dumaan sa mga pintuan, inyong ihanda ang lansangan para sa bayan; inyong itayo, inyong gawin ang maluwag na lansangan, inyong alisin ang mga bato; sa ibabaw ng mga bayan ang watawat ay itaas ninyo. Isaias 62:10. LBD 213.1

Dumarami ang kabalisahan; ngunit hikayatin natin, bilang mga mananampalataya, ang bawat isa. Huwag nating pababain ang pamantayan, ngunit hayaan itong maitaas ng mataas, na tumitingin sa Kanya na Siyang May-akda at Magtatapos ng ating pananampalataya.— Letter 2, 1912. LBD 213.2

Kailangan nating lahat ang higit na Cristianong tapang, upang maitaas natin ang pamantayan kung saan nakasulat ang mga kautusan ng Diyos at ang pananampalataya ni Jesus. Hindi tayo dapat magkompromiso sa mga pinuno ng rebelyon. . . . Kailangan nating magkaroon ng matibay na determinasyon para magawa ang kalooban ng Panginoon sa lahat ng panahon at dako.— The Review and Herald, May 9, 1899. LBD 213.3

Hayaang taimtim na matanggap at maging basehan ng karakter ang katotohanan para sa panahong ito, at magbubunga ito ng matibay na hangarin, kung saan walang kapangyarihan ang mga tukso ng kasiyahan, kasalawahan ng kaugalian, pag-alipusta ng mga maibigin sa mundo at sariling hiyaw ng puso sa pagpapakasasa sa sarili. . . . Tinandaan natin ang mga ilustrasyon ng nagpapanatiling kapangyarihan ng matibay na prinsipyong relihiyoso. Kahit na ang pagkatakot sa kamatayan ay hindi nagawang painumin ang nanghihinang si David ng tubig sa Bethlehem, upang matamo ang pinagbuwisan ng buhay ng matatapang na lalaki. Hindi napigilan kahit na ng mga nakangangang leon si Daniel sa kanyang araw-araw na pananalangin, hindi rin nakahimok kahit na ang nangniningas na hurno kay Shadrach at sa kanyang mga kasama upang lumuhod sa diyus-diyosang itinayo ni Nebukadnezar. Ang mga kabataang may matibay na prinsipyo ay iiwas sa kalayawan, lalaban sa kirot, at matapang kahit sa yungib ng mga leon o pinaiinit na nagniningas na hurno kaysa matagpuang hindi matapat sa Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 43. LBD 213.4

Hayaang maisulat ito sa konsyensya gaya ng isang panulat na bakal sa bato, na ang tunay na tagumpay, maging sa buhay na ito o sa buhay sa hinaharap, ay maaaring masigurado lamang sa pamamagitan ng matapat na pagtalima sa mga walang-hanggang prinsipyo ng matuwid.— Testimonies for the Church, vol. 7, p. 164. LBD 213.5