Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

211/367

Upang Harapin ang Kamatayan na May Tapang ni Daniel, 28, Hulyo

Sa Iyo, O Diyos ng aking mga ninuno, ako’y nagpapasalamat at nagpupuri, sapagkat binigyan Mo ako ng karunungan at kapangyarihan, at ipinaalam Mo sa akin ang aming hinihiling sa Iyo; sapagkat Iyong ipinaalam sa amin ang nangyari sa hari. Daniel 2:23. LBD 214.1

Ang ating Diyos, ang Siyang Tagapag-bigay gantimpala nilang masugid na humahanap sa Kanya. Hinanap ni Daniel ang Diyos nang dumating ang utos na pagpatay sa lahat na matalinong tao ng kaharian ng Babilonia dahil hindi nila maisalaysay o maipaliwanag ang isang panaginip na nagmula sa isipan ng hari. Hindi lamang paliwanag ng panaginip ang hinahanap ni Nebukadnezar, kundi pati ang kaugnayan ng mismong panaginip. . . . Nagsabi sila na ang kahilingan ng hari ay isang bagay na di-makatuwiran, at ang pagsubok ay lagpas sa maaaring hilingin sa kahit sinong tao. Nagalit ang hari, at kumilos na gaya ng lahat ng mga taong may malaking kapangyarihan at di-mapigilang simbuyo ng damdamin. Ipinasya niyang dapat patayin silang lahat, at dahil kabilang si Daniel at ang kanyang mga kaibigan sa mga matatalinong tao, kasama sila sa kapalarang ito. . . . LBD 214.2

Pumunta si Daniel sa harap ng hari, at humingi ng panahon upang dalhin ang bagay na ito sa kataas-taasang hukuman ng daigdig, na ang desisyon ay walang apela. Nang mapagbigyan ang kanyang kahilingan, inilatag ni Daniel ang buong bagay sa kanyang mga kamasahan, na kaisa niya sa pagsamba sa tunay na Diyos. Ganap na isinaalang-alang ang bagay na ito, at sa kanilang nakaluhod na mga tuhod ay nakiusap silang bigyan sila ng Diyos ng kapangyarihan at karunungan na tanging mapakikinabangan nila sa kanilang malaking pangangailangan. . . . LBD 214.3

“At ang hiwaga ay inihayag kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo’y pinuri ni Danial ang Diyos sa langit.” . . . Nais kong ikintal sa mga kabataan na Diyos nila ang Diyos ni Daniel, at anumang kahirapan ang dumating, hayaang gawin nila ang ginawa ni Daniel, “nasain ang mga kahabagan ng Diyos ng kalangitan.”— The Youth’s Instructor, November 22, 1894. LBD 214.4

Hindi bibiguin ng Diyos ang Kanyang iglesia sa oras ng kanyang pinakamalaking panganib. Nangako Siya ng Kaligtasan.— Prophets and Kings, p. 538. LBD 214.5