Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Upang Tawagin ang Kasalanan sa Tamang Pangalan Nito, 26, Hulyo
At sinabi ni Josue kay Acan, Anak ko, luwalhatiin mo ang Panginoong Diyos ng Israel, at magtapat ka sa Kanya; sabihin mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag mong ilihim iyon sa akin. Josue 7:19. LBD 212.1
Nagtuturo ang kasaysayan ni Acan ng solemneng liksyon na dahil sa kasalanan ng isang tao, ipapatong ang di-pagkalugod ng Diyos sa isang bayan o sa isang bansa hanggang masiyasat at maparusahan ang gumawa ng paglabag. Nakasasama ang kasalanan sa likas nito. Kahit isang tao ang mahawaan ng nakamamatay na ketong ay maaaring makahawa sa libu-libo. . . . Marami ang di-nangahas na ikondena ang kasalanan, dahil baka masakripisyo nila sa gayon ang posisyon at popularidad. At sa iba, itinuturing na walang awa ang pagsaway sa kasalanan. Ang lingkod ng Diyos . . . ay nasa ilalim ng pinakasolemneng obligasyon para ilahad ang Salita ng Diyos, na walang takot at pabor. Dapat niyang tawagin ang kasalanan sa kung ano ba talaga ito. . . . LBD 212.2
Hindi kailan man maghahatid tungo sa pagmamaliit sa kasalanan ang pag-ibig sa Diyos; hindi nito kailan man tatakpan o ididiskargo ang isang hindi kinilalang mali. Huli na natutuhan ni Acan na ang kautusan ng Diyos, kagaya ng May-akda nito, ay hindi nagbabago. May kinalaman ito sa lahat ng ating mga ginagawa, iniisip at nararamdaman. Sinusundan tayo nito, at umaabot sa lahat ng sikretong pinagmumulan ng paggawa. Sa pagpapakasasa sa kasalanan, nadadala ang mga tao na di-pahalagahan ang kautusan ng Diyos. Marami ang nagtatago ng kanilang mga kasalanan sa kanilang kapwa, at pinupuri ang kanilang mga sarili na di-magiging istrikto ang Diyos sa pagtanda ng kanilang kasamaan. Subalit ang Kanyang kautusan ang pinakamalaking pamantayan ng katotohanan, at kinakailangang ihayag ang bawat gawa sa buhay na ito sa araw na dadalhin ng Diyos ang lahat ng mga gawa sa kahatulan maging lahat ng mga nakatagong bagay, maging ito mabuti man ito o masama. Maghahatid sa kadalisayan ng buhay ang kadalisayan ng puso. Walang kabuluhan ang lahat ng dahilan sa kasalanan. Sino ang makapangangatwiran para sa kasalanan kung nagpapatotoo ang Diyos laban sa kanya?— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 2, pp. 996, 997. LBD 212.3
Ang pinakamalaking pangangailangan ng sanlibutan ay ang pangangailangan sa mga tao,—mga taong di-mabibili o maipagbibili; mga taong totoo at tapat sa kaibuturan ng kanilang mga kaluluwa; mga taong di-natatakot na tawagin ang kasalanan sa tama nitong pangalan; mga taong tapat ang konsyensya sa tungkulin gaya ng karayom sa tikin; mga taong maninindigan para sa katotohanan kahit na bumagsak ang langit.— Education, p. 57. LBD 212.4