Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

197/367

Lakasan Ninyo ang Inyong Loob, Sapagkat Sumasaatin ang Diyos, 14 Hulyo

Lakasan ninyo ang inyong loob, kayong sambayanan sa lupain, sabi ng Panginoon. Kayo’y magsigawa sapagkat Ako’y sumasainyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Hagai 2:4. LBD 200.1

Nalalaman ng Panginoon ang pakikipagbaka ng Kanyang bayan sa mga huling araw na ito laban sa mga ahensya ni Satanas kasama ang mga masasamang taong lumimot at tumanggi sa kanilang kaligtasan. Na may pinakalubos na kaamuan at pagkamakatarungan, ang ating Tagapagligtas, ang pinakamakapangyarihang Heneral ng mga hukbo ng langit, ay hindi inililihim ang mahigpit na pakikibakang kanilang mararanasan. Idiniin Niya ang mga panganib, ipinakikita Niya sa atin ang plano ng digmaan, at ang mahirap at mapanganib na gawaing dapat gawin, at saka itinataas Niya ang Kanyang tinig bago lumusong sa laban upang bilangin ang halaga samantalang hinihikayat kasabay nito ang lahat na kunin ang mga sandata ng kanilang pakikidigma at asahang ang hukbo ng langit na binubuo ng mga hukbo upang makipagbaka sa pagsasanggalang sa katotohanan at katuwiran. Makasusumpong ang kahinaan ng tao ng sobrenatural na lakas at tulong sa bawat mabagsik na pakikibaka upang gawin ang mga gawain ng Makapangyarihan sa lahat, at magpapanigurado sa tagumpay ang pagtitiyaga sa pananampalataya at sakdal na pagtitiwala sa Diyos. LBD 200.2

Habang nagagayakan laban sa kanila ang nakaraang kalipunan ng kasamaan, inatasan Niya silang maging matibay at malakas at magiting na lumaban sapagkat mayroon silang langit na mapagtatagumpayan, at higit sa isang anghel ang nasa hanay nila, pinangungunahan ng makapangyarihang Heneral ng mga hukbo ang hukbo ng langit. Tulad ng kasaysayan ng pagkubkob sa Jerico, walang isa man sa mga hukbo ng Israel ang makapagyayabang sa paggamit ng kanilang may hangganang kalakasan sa pagpapabagsak ng mga pader ng lunsod, ngunit pinagplanuhan ng Kapitan ng mga hukbo ng Panginoon ang labanan na may may kalubos-lubusang kapayakan, na ang Panginoon lamang ang dapat makatanggap ng kapurihan at hindi dapat tao ang maitaas. Ipinangako ng Diyos sa atin ang lahat ng kapangyarihan; sapagkat para sa inyo at sa inyong mga anak ang pangako, at sa lahat ng nasa malayo gaano man karami ay tatawagin ng Panginoon nating Diyos.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 2, pp. 995, 996. LBD 200.3

Pananampalataya ang buhay na kapangyarihan na makapagpapatuloy na makapasok sa bawat hadlang, makalalampas sa lahat ng mga pagsubok, at makapagtatayo ng bandera sa gitna ng kampo ng mga kaaway.— The Signs of the Times, April 14, 1881. LBD 200.4