Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Magtipon ng Katatagan Mula sa Kalamigan ng Iba, 13 Hulyo
Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig. Subalit ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. Mateo 24:12, 13. LBD 199.1
Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig.” Nadungisan ng kasalanan ang ating kapaligiran. Di maglalaon ay susubukin ng mga matitinding pagsubok ang bayan ng Diyos, at ang malaking bahagi nilang sa ngayon ay nakikitang mga tunay at totoo ay mapatutunayang mga mababang klase ng metal. Sa halip na mapatibay at mapatatag ng mga pagsubok, mga pananakot, at pang-aabuso, lilipat silang may kaduwagan sa hanay ng mga kalaban. Ang pangako ay, “Ang mga nagpaparangal sa Akin ay Aking pararangalan.” . . . LBD 199.2
Tunay na dumating na sa mga bansa ang paghatol ng Diyos, na makikita sa mga bagyo, mga baha, mga silakbo, mga lindol, sa mga panganib sa lupa at sa dagat. Ang dakilang si AKO NGA ay nagsasalita sa mga nagwalang halaga ng Kanyang kautusan. Kapag ibinuhos na ang Kanyang galit sa lupa, sino nga ang makatatayo? Ngayon nga ang panahon para ipakita ng bayan ng Diyos ang kanilang pagiging totoo sa mga prinsipyo. Sa panahong pinakatumatangan ng pag-aalipusta ang relihiyon ni Cristo, pinakahinahamak ang Kanyang batas, dito dapat pinakahindi matitinag ang ating tapang at katatagan. Ang pagtayo sa pagsasanggalang sa katotohanan at katuwiran kahit na tinatalikdan tayo ng karamihan, ang paglaban sa digmaan ng Panginoon kahit na kakaunti na lamang ang mga kampeon—ito ang ating magiging pagsubok. Sa panahong ito ay kailangan nating magtipon ng init sa kalamigan ng iba, tapang sa kanilang kaduwagan, at katapatan sa kanilang pagtataksil. . . . LBD 199.3
Palalakasin ng Kapitan ng ating kaligtasan ang Kanyang bayan para sa pakikipagbakang kailangan nilang suungin. . . . LBD 199.4
Ngayon na ang panahon kung saan dapat mas lalo pa tayong lumapit sa Diyos, upang maikubli tayo kapag ibinuhos na ang kabangisan ng Kanyang galit sa mga anak ng tao.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 136, 137. LBD 199.5
Lahat ng nagtipon ng init sa kalamigan ng iba, tapang sa kanilang pagtalikod, at katapatan sa kanilang pagtataksil, ang magtatagumpay sa ikatlong mensahe ng anghel.— The Review and Herald, June 8, 1897. LBD 199.6