Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

189/367

Upang Mabuhay na May Pakikipagkaisa sa Kanyang Kautusan, 6 Hulyo

Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, gawin mo ang ayon sa lath ng kautusang iniutos sa iyo ni Moises na Aking lingkod. Huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtagumpay saan ka man pumunta. Josue 1:7. LBD 192.1

Nananawagan ang Diyos sa mga tao,—sa kanilang magiging totoo sa Kanyang paningin. Kailangang madala ang mga pagbabago sa mga iglesia. Mayroon na ngayong malaking pangangailangan ng pagpapanumbalik sa puso ng mga lalaki at babae ng isang sinaunang pagpipitagan sa Sampung Utos. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusang ito, mapababanal ang sangkatauhan, upang hindi mapatibay ang bunga ng pagdududa, ngunit upang maipahayag ang pundasyon ng ating pananampalataya, at maipatupad ang lahat ng alituntunin sa banal na kautusan ng Diyos. Kailangang magising ang pagkaunawa sa indibiduwal na responsibilidad. Kinakailangang alalahanin ng mga tao na upang maituring na mga tao ng Panginoon, dapat maging sakdal, malinis, at totoo ang paraan ng kanilang pagkilos.— Manuscript 24, 1891. LBD 192.2

Maaaring umiwas ang mga lalaki at babae sa kahihiyan na tinawagan silang dalhin para sa kapakanan ni Cristo, maaari nilang gawin ang mga gawa ng mga anak ng mga makasalanan, ngunit sa tiyak na paggawa nila nito, tatanggapin nila ang gantimpala ng gumagawa ng masama. Maaari nilang akyatin ang mga lugar ng karangalan, maaaring manguna sila sa mundo ng pampanitikan, at sa kanilang pagmamataas maaari nilang tanggihan ang katotohanan ng makalangit na pinagmulan; ngunit mawawala sa kanila ang lahat sa huli. LBD 192.3

Nakadepende ang ating kasiyahan at kaligtasan sa pagkain natin ng tinapay ng buhay; iyon ay, pagsunod sa mga salita at paggawa ng mga gawain ni Cristo, na pinasusulong ang katuwiran at hinahadlangan ang kawalang katatuwiran. Walang makapagbibigay ng ganoong pagsandig sa sarili, katatagan, dagdag na talento at abilidad, na gaya ng totoong pagtantiya ng mga hinihingi ng mga batas ng Diyos. . . . Dinadala tayo ng pag-ibig kay JesuCristo sa pagsunod sa kautusan ng Diyos, na siyang ilawan sa ating mga paa at liwanag sa ating landas, binibigyan tayo ng nagliliwanag, nagdadalisay, at napakaligayang presensya ng parehong Ama at Anak. Maaaring makipagniig sa Diyos na kagaya ni Enoch siyang masunurin.— Letter 29, 1900. LBD 192.4