Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Upang Tamasahin ang Sakdal na Pag-ibig, 5 Hulyo
Walang takot sa pag-ibig kundi ang sakdal na pag-ibig ay nagpapalayas ng takot, sapagkat ang takot ay may kaparusahan at ang takot ay hindi pa nagiging sakdal sa pag-ibig. 1 Juan 4:18. LBD 191.1
Mahalagang pahayag ito; sapagkat marami ang nais na umibig at maglingkod sa Diyos, subalit kapag dumating ang mga pasakit sa kanila, kamay ng kaaway ang nababatid nila at hindi pag-ibig ng Diyos. Sila ay nagdadalamhati, nagbubulong-bulungan, at nagrereklamo; ngunit hindi ito ang bunga ng pag-ibig sa Diyos. Kung mayroon tayong sakdal na pag-ibig, malalaman nating hindi ninanais ng Diyos na saktan tayo, ngunit sa gitna ng mga pagsubok, mga pagdurusa, at mga pasakit, ninanais Niyang gawin tayong sakdal, at subukin ang kalidad ng ating pananampalataya. Kapag tumigil na tayong mag-alala sa hinaharap, at magsimulang maniwalang iniibig tayo ng Diyos, at ninanais na gawan tayo ng mabuti, magtitiwala tayo sa Kanya na gaya ng batang tumitiwala sa kanyang maibiging magulang. Kung gayon mawawala ang ating mga kabagabagan at mga paghihirap, at mapaiilalim ang ating mga kalooban sa kalooban ng Diyos.— The Youth’s Instructor, January 6, 1898. LBD 191.2
Magkakaroon kayo ng karakter na kagaya ng kay Cristo sa pamamagitan ng pamamalagi ni Cristo. Nais ng Panginoon na tumayo kayo sa tabi Niya, bilang isang mabuti, mapagpahinuhod, mapagpakumbabang anak ng Diyos. Disenyo ng Diyos na kumatawan sa Kanyang pag-ibig ang mga manggagawa sa Kanyang paglilingkod. . . . LBD 191.3
Kailangang maging kaayaaya ang ating mga ugnayan sa isa’t isa. Kapag gumawa tayo ng tama, nagpapatunay ang patotoo ng ating Espiritu at ng Espiritu ng Diyos na ang isipan ng tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng banal na isipan. . . . Nagbibigay ang Kanyang Salita ng katibayan kung saan makakukuha tayo ng konklusyon na talagang mga anak Niya tayo. . . . Dala-dala ng tunay na pag-ibig sa Diyos ang totoo at mapitagang pagtitiwala. At siyang umiibig sa Diyos ay iibig din sa kanyang kapwa.— Letter 174a, 1902. LBD 191.4
“At ngayon ay nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig,“—ang pananampalatayang humahawak sa Makapangyarihan sa lahat at tumatangging malito; pag-asa, na ginagawang pangkasalukuyang pangpalakas-loob at kasiyahan ang hinaharap na pagtatagumpay ng mga mabuti at totoo; at pag-ibig, na ginagawang banal ang lahat sa Diyos at para sa Diyos.— Letter 42, 1901. LBD 191.5