Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Upang Ipangilin ang Sabbath, 7 Hulyo
Sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, sapagkat ang Diyos ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa Kanya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala. Exodo 20:20. LBD 193.1
Kinakailangan ng mabuting katapangan upang panindigan ang pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon. Isang kalaban ng katotohanan ang nagsabi minsan na mga taong mahihina ang isip lamang . . . ang aalis mula sa mga iglesia para mangilin ng ikapitong araw na siyang Sabado. Ngunit isang ministro na tumanggap ng katotohanan ang sumagot, “Kung sa tingin mo ay pang mahihinang isip lang ito, subukan mo.” Kailangan ng mabuting katapangan, katatagan, desisyon, pagtitiyaga, at maningas na panalangin para makalabas tungo sa hindi bantog na panig. . . . LBD 193.2
Tumatayo sa ilalim ng malawak na kalasag ng Makapangyarihan sa lahat, hindi natin mararamdamang nasa minorya tayo. Isang mayorya ang Diyos. . LBD 193.3
. . Kailangan nating ipalagay na itinakda tayo ni Cristo upang maging liwanag sa gitna ng kadilimang moral ng mundo. Hindi dapat tayo magkamali ng pakahulugan sa karakter ng Diyos, hindi natin kailangang maging mayayamutin, sabihin kung anuman ang ating iniisip, sisihin at punahin ang iba; kundi kailangan nating hayaan ang Banal na Espiritu na humubog sa ating mga karakter ayon sa wangis ni Cristo. LBD 193.4
Makikita natin ngayon ang gagawin ni Jesus para sa atin kung hahayaan natin Siya. Sinabi Niya sa Kanyang panalangin para sa mga alagad na, “Ngunit ngayon ay pupunta Ako sa iyo; ang mga bagay na ito ay sinabi Ko sa sanlibutan, upang sila’y magkaroon ng Aking kagalakang ganap sa kanilang sarili.” Posible bang maging maligaya sa pagsunod kay Cristo? Ito lamang ang tunay na kaligayahang maaaring matamo ng sinuman.— Manuscript 37, 1894. LBD 193.5
Tatalikod ba ang Tagapaglitas para iwanan kayong makipagbakang magisa? Hindi, hindi kailan man. . . . Dumarating ang kahirapan sa mundong ito, at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan na hindi pa naranasan mula ng magkaroon ng bansa. Magkakaroon ng mga digmaan at alingawngaw ng mga digmaan, at maiipon ang pamumutla sa mukha ng mga tao. Maaaring makaranas kayo ng mga kabalisahan, kagutuman minsan; ngunit hindi kayo pababayaan ng Diyos sa inyong mga kapighatian. Susubukin Niya ang inyong pananampalataya. . . . Narito tayo upang ipakilala si Cristo sa mundo, upang katawanin Siya at ang Kanyang kapangyarihan sa sangkatauhan.— Evangelism, pp. 240, 241. LBD 193.6