Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Upang Lumakad sa Kanyang Landas, 4 Hulyo
Ang daan ng Panginoon sa matuwid ay tanggulan, ngunit kapahamakan sa mga gumagawa ng kasamaan. Kawikaan 10:29. LBD 190.1
Kung sa pasimula pa lamang ay lumakad na tayo sa payo ng Diyos, libo-libo ang maaaring nahikayat sa kasalukuyang katotohanan. Ngunit marami ang gumawa ng mga baluktot na landas para sa kanilang mga paa. Mga kapatid, gumawa kayo ng mga tuwid na landas, upang hindi pilay ang kalabasan sa inyong daan. Wala nawang sumunod sa mga baluktot na landas na ginawa ng ibang ito, sapagkat hindi lamang ikaw ang mismong maliligaw, kundi gagawin pa nitong mas patag ang baluktot na landas para sundan ng iba. Pagpasyahan na para sa inyong sarili, lalakad kayo sa landas ng pagsunod. May katiyakang alamin na nakatayo kayo sa ilalim ng malapad na panangga ng Makapangyarihan sa lahat. Unawaing kailangang mahayag sa inyong buhay ang mga katangian ni Jehovah, at kailangang maganap sa inyo ang gawaing maghuhubog sa iynong karakter ayon sa banal na pagkakatulad. Ipasakop ninyo ang inyong sarili sa pangangalaga Niyang Pinuno ng lahat. LBD 190.2
Ginagawa natin ang ating mga gawain para sa paghuhukom. Maging mga mag-aaral tayo ni Jesus. Kailangan natin ang Kanyang patnubay sa lahat ng sandali. Kailangan nating itanong sa bawat hakbang na, “Ito ba ang daan ng Panginoon?” hindi, “Ito ba ang daan ng taong mas mataas sa akin?” Ang dapat lang natin alalahanin ay kung lumalakad ba tayo sa daan ng Panginoon. LBD 190.3
Pararangalan at kakatigan ng Panginoon ang bawat matapat, masigasig na kaluluwang nagnanais lumakad sa harap Niya sa kalubusan ng biyaya ni Cristo. Hindi Niya kailan man iiwan o pababayaan ang isang mapagpakumbaba, at nanginginig na kaluluwa. Maniniwala ba tayong Siya ang gagawa sa ating mga puso? Na kung pahihintulutan natin Siyang gawin ito, gagawin Niya tayong mga malilinis at banal, na sa pamamagitan ng Kanyang mayamang biyaya ay gagawin Niya tayong karapat-dapat na maging mga manggagawang kasama Niya? Maaari ba nating pahalagahan na may masigasig at banal na pagkaunawa ang kalakasan ng Kanyang mga pangako, at gamitin ang mga ito, hindi dahil sa karapat-dapat tayo, kundi dahil inaangkin natin ang katuwiran ni Cristo sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya?— Manuscript 96, 1902. LBD 190.4
Wala nang mas dakila at makapangyarihan kaysa pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang mga anak.—The Review and Herald, March 15, 1906. LBD 190.5