Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Upang Pagtiwalaan Siya, 3 Hulyo
Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: Ngunit ang naglalagak ng kanyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. Kawikaan 29:25. LBD 189.1
Ninanais ng Diyos na lakasan ninyo ang inyong loob. Magpakatibay. . . Gumagawa si Satanas sa lahat ng dako upang ibagsak ang pananampalataya, at gawing malungkot ang mga tao.— Letter 29, 1904. LBD 189.2
Kung hindi kayo makaranasan sa pag-unawa ng mga pamamaraan ng kaaway, pananalangin ang tangi ninyong kaligtasan. Buksan ang lahat ng sekreto ng inyong puso sa pagsisiyasat ng walang-hanggang mata, at makiusap sa Diyos na gawin kayong dalisay at matibay, at lubusan kayong kalasagan para sa malaking pakikibaka sa buhay. Lumalago ang pananampalataya sa pamamagitan ng salungatan sa mga pag-aalinlangan; nagtitipon ng lakas ang kabutihan sa pamamagitan ng paglaban sa tukso.— The Youth’s Instructor, April 1, 1873. LBD 189.3
Ibinigay ang lahat ng pagpapala sa kanya na may mahalagang kaugnayan kay Jesu-Cristo. Hindi sila tinatawag ni Jesus upang manariwa sa Kanyang biyaya at presensya ng ilang oras lamang, at paaalisin pagkatapos mula sa Kanyang liwanag at palalakarin palayo sa Kanya na may kalungkutan at kalumbayan. Hindi, hindi kailan man. Sinasabi Niya sa atin na kailangan nating mamalagi sa Kanya at Siya sa atin. Saan man kailangan isakatuparan ang kanyang gawain, Siya ay naroroon, banayad, mapagmahal, at mahabagin. Naghanda Siya para sa inyo at sa akin ng nananatiling tahanan sa Kanya. Kanlungan natin Siya. Dapat magpalawak at magpalalim ang ating karanasan sa Kanya. Binuksan na ni Jesus ang kabuuan ng Kanyang banal at di-maisaysay na pag-ibig. . . . Pag-usapan ang tungkol sa katapangan, pananampalataya, at pagasa. Mga kapatid sa Panginoon, maging magpakatatag kayo. O, gaano kaliit ang ating kaalaman sa kung ano ang nasa harapan natin! Ibibigay natin ang ating buong pagkatao kay Jesus, upang maging Kanyang lubos, at masasabi nating, “Hindi ang nais ko, kundi ang kalooban Mo, Oh Diyos, ang maganap.” . . . Nasa iyo ang banayad na pag-ibig at kahabagan ng iyong Tagapagligtas. Palaging tumingin sa Kanya, patuloy na magtiwala sa Kanya, at huwag mag-alinlangan sa Kanyang pag-ibig. Alam Niya ang lahat ng ating mga kahinaan at kailangan. Bibigyan Niya tayo ng biyayang sapat sa araw natin. Patuloy lamang tumingin kay Jesus, at lakasan ang loob.— Letter 1a, 1894. LBD 189.4
Sa tunay na pananampalataya ay may kahinahunan, tapat na prinsipyo, na hindi kayang pahinain ng panahon ni paghihirap.— The Youth’s Instructor, April 21, 1898. LBD 189.5