Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mabuting Pagpapasya, 28 Hunyo
Ang mabuting pagpapasya ang magbabantay sa iyo, ang pagkaunawa ang mag-iingat sa iyo. Kawikaan 2:11. LBD 184.1
Sa pamamagitan ng inyong mga piniling salita at isang di-pagbagu-bagong paraan ng pagkilos, sa pamamagitan ng inyong kagandahang-asal, at ng inyong taimtim na kabanalan, maghahayag kayong mahusay ng inyong pananampalataya, na determinadong sasakupin ni Cristo ang trono sa templo ng kaluluwa; at ihahandog ng lubusan ang inyong mga talento sa Kanyang paanan upang magamit sa Kanyang paglilingkod. . . . Gawin itong batas ng inyong buhay kung saan walang tukso o iba pang interes na magiging dahilan upang kayo ay tumalikod, upang maparangalan ang Diyos.— Youth Instructor, February 2, 1893. LBD 184.2
Sa ganitong mabilis na panahon, na umaalingasaw sa katiwalian, hindi kayo ligtas malibang nakatayo kayong nabanbantayan. Bihira ang kabutihan at kahinhinan. Nakikiusap ako sa inyo bilang mga tagasunod ni Cristo, na gumagawa ng isang mataas na propesyon, upang taglayin ang mamahalin at walang kasinghalagang hiyas ng kababaang-loob. Babantayan nito ang kabutihan.— Child Guidance, p. 417. LBD 184.3
Ang kabanalan ng puso ay hindi kailan man hahantong sa maruruming pagkilos. . . . Ang katotohanang nagmula sa langit ay hindi kailan man nagpapahina sa tagatanggap. . . ; Sa kasalungat, pinababanal nito ang mananampalataya, dinadalisay ang kanyang panlasa, itinataas at pinararangal siya, at dinadala siya sa malapit na kaugnayan kay Jesus. Pinapatnubayan siya nito upang ituring ang utos ni apostol Pablo na umiwas sa kahit na anong anyo ng kasamaan, baka ang kanyang “kabutihan ay masabing masama.” LBD 184.4
Ito ang isang paksang dapat nating pakinggan. Dapat nating bantayan ang mga kasalanan ng nabubulok na panahong ito. Dapat tayong manatiling malayo sa lahat ng bagay na may anyong hindi nararapat na pagiging malapit. Hinahatulan ito ng Diyos. Ito ay isang ipinagbabawal na lugar, kung saan hindi ligtas pumasok. Ang bawat salita at kilos ay dapat magtaas, magdalisay, at magpadakila ng karakter. LBD 184.5
Ang aking mabuting pangalan ay isang kapital na higit na mahalaga sa akin kaysa ginto o pilak. Hayaang panatilihin ko itong malinis. Kung siraan ng mga tao ang pangalang iyon, hindi ito dahil binigyan ko sila ng pagkakataong gawin iyon, kundi sa parehong dahilan na nagsalita sila ng kasamaan laban kay Cristo,—sapagkat kinapopootan nila ang kadalisayan at kabanalan ng Kanyang karakter; sapagkat isa tiong patuloy na pagsansala sa kanila.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 595. LBD 184.6