Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pinili ni Jose ang Pinakamabuti sa Buhay, Hindi Tama ang Pinili ni Samson, 29 Hunyo
Sapagkat ang naghahasik para sa kanyang sariling laman ay mula sa laman mag-aani ng kasiraan; subalit ang naghahasik sa Espiritu, mula sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walanghanggan. Galacia 6:8. LBD 185.1
Mas mapanganib o mas nakamamatay ang kaunting mga tukso sa mga kabataang lalaki kaysa tukso sa senswalidad at kung susuko ay tiyak na mapapahamak sa kaluluwa at katawan para sa panahon at kawalang-hanggan. Ang kapakanan ng kanyang buong hinaharap ay nasususpinde sa pagpapasya ng ilang sandali. Mahinahon na ipinukol ni Jose ang kanyang mga mata sa langit para sa tulong, inalis ang kanyang maluwag na panlabas na kasuotan, iniwan ito sa kamay ng kanyang manunukso at habang pinagaan ang kanyang mata na may determinadong pagpapasiya sa lugar ng di-banal na pagnanasa, sinasabi niyang, “Paano ko magagawa ang malaking kasamaang ito, at kasalanan laban sa Diyos?” Nakamit ang tagumpay; tumakas siya sa mang-aakit; siya ay naligtas.— The S.D.A Bible Commentary, vol. 1, p. 1097. LBD 185.2
Si Samson sa panahon ng kanyang panganib tulad ni Jose ay may kaparehong pagkukunan ng lakas. Puwede niyang piliin ang tama o ang mali kung ano ang gusto niya. Ngunit sa halip na hawakan ang lakas ng Diyos, pinahintulutan niya ang mga mabangis na simyo ng kanyang likas ang lubos na manguna. Nabaluktot ang mga kapangyarihan ng pangangatuwiran, at a naging tiwali ang moral. Tinawag ng Diyos si Samson sa isang posisyon na may malaking responsibilidad, karangalan, at kapakinabangan; ngunit kailangan muna niyang matutong mamahala sa pamamagitan ng pag-aaral munang sundin ang mga batas nag Diyos. . . . Si Samson, sa ilalim ng . . . mga tukso, na bunga ng kanyang sariling gawa, ay nagpatalo sa pangunguna ng simbuyo ng damdamin. Ang landas na kanyang pinasok ay natuklasan niyang magwawakas sa kahihiyan, kalamidad, at kamatayan. Makikita ang pagkakaiba sa kasaysayan ni Jose!— The Signs of the Times, October 13,881. LBD 185.3
Sa gitna ng mga silo kung saan nakalantad ang lahat, kailangan nila ng matibay at tiyak na tanggulan na mapagkakatiwalaan. . . . Ang kalasag ng biyaya ay maaaring ingatan ng lahat upang hindi matalo ng mga tukso ng kaaway, bagaman napaliligiran ng pinakamasamang impluwensya. Sa pamamagitan ng matibay na prinsipyo, at matatag na pagtitiwala sa Diyos, maaaring lumiwanag ang kanilang kabutihan at karangalan ng karakter, at kahit na napalilibutan ng kasamaan, walang bahid ang makikita sa kanilang kabutihan at integridad. LBD 185.4