Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Katapatan, 27 Hunyo
Sapagkat isinasaalang-alang namin ang mga bagay na kapuripuri hindi lamang sa harapan ng Panginoon, kundi maging sa harapan ng mga tao. 2 Corinto 8:21. LBD 183.1
Sa lahat ng mga transaksyon sa negosyo, may katiyakan nating pagliwanagin ang ilaw. Hindi dapat magkaroon ng mapagdududahang gawi. Dapat gawin ang lahat nang may pinakamahigpit na integridad. Mas mahusay na hayaang malugi ng pananalapi kaysa makakuha ng kaunti sa pamamagitan ng maruming gawain. Sa huli, walang anuman ang mawawala sa atin sa pamamagitan ng makatarungang pakikitungo. Dapat nating ipamuhay ang kautusan ng Diyos sa ating mundo, at pasakdalin ang karakter ayon sa banal na huwaran. Dapat gawin sa matapat at matuwid na mga prinsipyo ang lahat ng negosyo, kasama ang mga nasa pananampalataya at ang mga hindi sa pananampalataya. Dapat makita ang lahat ayon sa liwanag ng kautusan ng Diyos, ang lahat ng ginawa nang walang pandaraya, nang walang pagkukunwari, nang walang bahid ng panlilinlang.—The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1158. LBD 183.2
Dahil sa isang balabal ng Babilonia at isang napakaliit na kayamanang ginto at pilak, pumayag si Acan na ibenta ang kanyang sarili sa kasamaan, na dalhin sa kanyang kaluluwa ang sumpa ng Diyos, na mawala sa kanya ang kanyang karapatan sa masaganang pag-aari sa Canaan, at mawala ang lahat ng pag-asa ng hinaharap at walang kamatayang mana sa binagong mundo. Tunay na nakatatakot na parusa ang binayaran niya para sa kanyang mga benepisyong kinuha sa maling paraan!—The Signs of the Times, May 5, 1881. LBD 183.3
Makisama nang tapat at wasto sa kasalukuyang masamang mundong ito. Ang ilan ay magiging tapat kapag nakita nilang di-malalagay ng katapatan sa panganib ang kanilang makamundong kapakanan; ngunit maaalis sa aklat ng buhay ang pangalan ng lahat na kumilos ayon sa prinsipyong ito. LBD 183.4
Dapat na linangin ang mahigpit na katapatan. Isang beses lamang tayo dadaan sa mundong ito; hindi tayo maaaring bumalik upang ituwid ang anumang mga pagkakamali; kaya’t dapat na may maka-Diyos na takot at maingat na pagsasaalang-alang ang bawat hakbang na ginagawa. . . . LBD 183.5
Kapag ginawa ng Diyos ang Kanyang mga hiyas, ang tunay, ang matuwid, ang tapat, ang magiging Kanyang mga pinili, ang Kanyang kayamanan. Naghahanda ang mga anghel ng mga korona para sa kanila; at ang ilaw mula sa trono ng Diyos ay kikinang sa kaluwalhatian nito mula sa mga koronang puno ng mahahalagang bato.— The Review and Herald, December 29, 1896. LBD 183.6