Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

179/367

Tunay na Kagandahan, 26 Hunyo

Sumaamin nawa ang biyaya ng Panginoon naming Diyos. Awit 90:17. LBD 182.1

May likas na pagkahilig sa lahat na maging sentimental sa halip na Imaging praktikal. Dahil sa katotohanang ito, mahalaga na ang mga magulang, sa pagtuturo ng kanilang mga anak, ay dapat magturo at sanayin ang kanilang mga isipang mahalin ang katotohanan, tungkulin, at pagtanggi sa sarili, at magkaroon ng marangal na kalayaan, piliin na maging tama, kung ang pinipili ng karamihan ay maging mali. . . . LBD 182.2

Kung mapanatili nila sa kanilang sarili ang mga mahusay na kalagayan at mabuting pagpipigil, magkakaroon sila ng tunay na kagandahang maaari nilang isuot na may banal na biyaya. At hindi na nila kailangang magpalamuti ng mga artipisyal, sapagkat palaging nagpapahayag ang mga ito ng kawalan ng panloob na kagandahan ng tunay na pagpapahalagang moral. Mahalaga sa paningin ng Diyos ang magandang karakter. Ang gayong kagandahan ay makaaakit, at di-makaliligaw. Ang gayong mga alindog ay matatag ng mga kulay; hindi sila kumukupas. LBD 182.3

Hinihiling ng dalisay na relihiyon ni Jesus sa mga tagasunod nito ang kasimplihan ng natural na kagandahan at ang kinang ng natural na kagandahang-asal at mataas na kadalisayan, sa halip na ang artipisyal at di-totoo.— Child Guidance, p. 424. LBD 182.4

May isang hiyas na hindi kailan man mapapahamak, na magtataguyod ng kaligayahan ng lahat ng nasa paligid natin sa buhay na ito, at maliwanag na may hindi lumalabong na kinang sa walang kamatayang hinaharap. Gayak ito ng maamo at mapagpakumbabang diwa. . . . Gaanong kaunti ang halaga ng ginto o perlas o mamahaling kasuotan kumpara sa kagandahan ni Cristo. Ang likas na kagandahan ay binubuo ng mahusay na proporsyon, o ng maayos na kaayusan ng mga bahagi, bawat isa kung kasama sa iba; ngunit binubuo ang espirituwal na kagandahang-loob ng pagkakaisa ng pagkakahawig ng ating mga kaluluwa kay Jesus. Magiging mas mahalaga ang may-ari nito kaysa pinong ginto, maging ang ginintuang kalang ng Ophir. Talagang di-mabibili na kasuotan ang biyaya ni Cristo. Iniaangat at pinararangal nito ang may-ari nito at sinasalamin ang mga sinag ng kaluwalhatian sa iba, na inaakit din sila sa Pinagmulan ng liwanag at pagpapala.— Child Guidance, pp. 423, 424. LBD 182.5