Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Karunungang Banal, 25 Hunyo
Sapagkat mabuti kaysa alahas ang karunungan, at lahat ng maaari mong naisin, sa kanya’y di maipapantay.Kawikaan 8:11. LBD 181.1
Kung hindi kailan man hinipo nina Adan at Eva ang ipinagbabawal na puno, nagbigay sana ang Panginoon sa kanila ng kaalaman,— kaalamang kung saan ay walang sumpa ng kasalanan, kaalamang maaaring magdulot sa kanila ng walang-hanggang kagalakan. Ang tanging kaalamang nakuha nila sa kanilang pagsuway ay kaalaman sa kasalanan at mga bunga nito. . . . LBD 181.2
Sa paglipas ng panahon, ang pagkamausisa ng mga tao ay nagdala sa kanilang hanapin ang puno ng kaalaman; at madalas inakala nilang pipitasin nila ang pinakakailangang bunga nito, kung kailan, tulad ng pagsasaliksik ni Solomon, nakita nila ito na walang kabuluhan at walang halaga kung ihahambing sa siyensya ng tunay na kabanalan na magbubukas sa kanila ng mga pintuan ng lunsod ng Diyos. Hinahanap ng ambisyon ng tao ang ganitong uri ng kaalamang magbibigay sa kanila ng kaluwalhatian at pagtataas ng sarili at paghahari. Sa ganitong paraan, tinukso ni Satanas sina Adan at si Eva hanggang sa lubos na naputol ang pagbabawal ng Diyos, at ang kanilang edukasyon sa ilalim ng guro ng mga kasinungalingan ay nagsimula upang magkaroon sila ng kaalamang inilayo ng Diyos sa kanila.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1083. LBD 181.3
Ang tunay na karunungan ay isang kayamanang kasing tagal ng walanghanggan. Marami sa mga tinatawag na marunong na tao sa mundo ay matalino lamang ayon sa kanilang sariling panukat. Kuntento sa pagtuklas ng makamundong karunungan, hindi sila kailan man pumapasok sa hardin ng Diyos, upang maging pamilyar sa mga kayamanan ng kaalamang nasa Kanyang banal na Salita. Nag-aakalang matalino sila, wala silang nalalaman tungkol sa karunungang dapat magkaroon ang lahat na tatanggap ng buhay na walang-hanggan. . . . Ang taong walang pinag-aralan, kung kilala niya ang Diyos at si Jesu-Cristo, ay may higit na nagtatagal na karunungan kaysa katalinuhan ng pinakamatalinong taong hinahamak ang turo ng Diyos.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1156. LBD 181.4
Magiging isang lampara sa inyong mga paa ang karunungan ng Diyos. . . . Ang lahat ng bagay na mauuga ay mauuga; ngunit kapag nakatanim at matatag sa katotohanan, mananatili kayo sa mga bagay na hindi maaaring ugain.— The Youth’s Instructor, February 2, 1893. LBD 181.5