Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

172/367

Na May Libangang Nagbubunga ng Kaligayahan, 19 Hunyo

Ngunit hayaan mong magalak ang lahat ng nanganganlong sa iyo; hayaan mo silang umawit sa kagalakan at sila nawa’y ipagsanggalang mo, upang dakilain ka ng mga umiibig sa pangalan mo. Awit 5:11. LBD 175.1

Mayroong lahat ng uri ng kasiyahan na inihanda ang kaaway ng katuwiran para sa mga kabataan sa lahat ng kalagayan ng buhay; at hindi lamang inihaharap ang mga ito sa mga masikip na lunsod, kundi sa bawat lugar na tinitirahan ng mga tao. Gustung-gusto ni Satanas na hawakan ang mga kabataan sa kanyang hanay bilang mga sundalo. Lubos na alam ng pangunahing kaaway kung anong materyal ang kinakaharap niya; at ipinakita niya ang kanyang karumaldumal na karunungan sa paggawa ng mga kaugalian at kasiyahan para mahiwalay ang mga kabataan sa kanilang pagmamahal kay Jesu-Cristo. Naging kapahamakan ang iba’t ibang libangan ng lipunan ng libu-libo at libu-libo pa na, kung hindi dahil sa mga atraksyong ito, naging masunuring mga bata, magalang sa kanilang mga magulang, matuwid, dalisay, at marangal sa kanilang mga hangarin at sa kanilang karakter.— The Youth’s Instructor, January 5, 1887. LBD 175.2

Kung dumating si Cristo sa kapulungan ng mga nawiwiling maigi sa kanilang mga paglalaro at mga walang kabuluhang libangan, maririnig kaya ang solemneng himig ng Kanyang tinig, na sinasabing, “Kapayapaan nawa sa bahay na ito”? Paano masisiyahan ang Tagapagligtas ng mundo sa ganitong mga eksena ng katuwaan at kahangalan?— The Review and Herald, October 13, 1874. LBD 175.3

Hindi kailan man nakukuntento ang pagmamataas at ambisyon, ngunit makatatagpo ang mga tunay na matalino ng sapat at nakaaaliw na kasiyahan sa mga pinagmumulan ng kasiyahang inilalagay ng Diyos sa maaabot ng lahat.— Patriarchs and Prophets, p. 50. LBD 175.4

Pribilehiyo at tungkulin ng mga Cristianong maghangad na pasariwain ang kanilang mga espiritu at pasiglahin ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng inosenteng libangan, na may layuning gamitin ang kanilang pisikal at mental na kapangyarihan para sa kaluwalhatian ng Diyos. Hindi dapatmagmg mga larawan ng walang kabuluhang kalayawan ang ating mga libangan, na kinukuha ang anyo ng walang kabuluhan. Maaari nating gawin ang mga ito sa paraang makikinabang at magtataas sa mga taong ating nakasasalamuha, at mas iangkop tayo at sila sa mas matagumpay na paggawa ng mga tungkuling inilipat sa atin bilang mga Cristiano. . . . Nagpapasaya at nagpapataas sa impluwensya nito ang relihiyon ni Cristo.— Messages to Young People, p. 364. LBD 175.5