Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

173/367

Na May mga Aklat na Nagpapadakila sa Isip, 20 Hunyo

Mapalad ang bumabasa. Apocalipsis 1:3. LBD 176.1

Ginawa nating gawi ang bumasa ng mga nagbibigay-aral at kagiliwgiliw na mga aklat, kasama ang Biblia, sa samahan ng pamilya, at laging masaya ang ating mga anak habang inaaliw natin sila. Sa gayon ay napigilan natin ang isang hindi mapakaling pagnanais na lumabas sa kalye kasama ang mga kabataan, at kasabay nito ay nilinang sa kanila ang kagustuhan sa pagbabasa. . . . Ang mga aklat ng “Spirit of Prophecy,” [Pinalitan itong apat na aklat na set na ito ng serye ng Conflict of the Ages.] ay dapat na nasa bawat pamilya, at dapat basahin nang malakas sa buong pamilya. . . . Naglalaman ang mga Testimonya ng tagubiling nakatutugon sa lahat, sa mga magulang at mga anak. Kung basahin ang mga ito nang malakas sa buong pamilya, makikinabang ang mga bata pati na rin ang mga magulang sa kanilang mga payo, mga babala, at mga pagsaway. . . . Italaga ang oras sa pagbabasa ng Kasulatan at iba pang mga kagiliw-giliw na mga aklat na magbibigay ng kaalaman at magtatanim ng mga tamang prinsipyo. Pumili ng pinakamahusay na mambabasa upang magbasa nang malakas, habang nakikibahagi ang iba pang mga miyembro ng pamilya sa mga kapakipakinabang na trabaho. Sa gayon maaaring maging kaaya-aya at kapakipakinabang ang mga gabing ito sa bahay.— The Review and Herald, December 26, 1882. LBD 176.2

Nangangailangan ang mga bata ng wastong pagbabasa, na magbibigay ng kasiyahan at libangan, at hindi nagpapahina ng isip o papagurin ang katawan.— The Review and Herald, December 11, 1879. LBD 176.3

Magkakaroon ng babasahin ang karamihan sa mga bata at kabataan; at kung hindi ito pipiliin para sa kanila, mamimili sila para sa kanilang sarili. Makahahanap sila ng mapangwasak na kalidad ng babasahin saan man, at dimagtatagal ay matututo silang mahalin ito; ngunit kung ibigay sa kanila ang dalisay at mahusay na babasahin, masasanay sila sa mga ito.— The Review and Herald, December 11, 1879. LBD 176.4

Sa pagsasanay sa paggawa ng tama, malilikha sa puso ang isang pagkasuya para sa mababa, mura, at walang kaayusan. LBD 176.5

Kung paanong ang nakapagpapalusog na pagkain ay para sa katawan, ganoon din ang dalisay at mabuting babasahin para sa isip. Sa gayon ay magiging mas malakas kayong labanan ang tukso, bumuo ng tamang gawi, at kumilos ayon sa mga tamang prinsipyo.— The Review and Herald, December 26, 1882. LBD 176.6