Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Ginagawa Natin ang Lahat sa Pangalan ni Jesus 18 Hunyo
At anumang inyong ginagawa, sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos Ama sa pamamagitan niya. Colosas 3:17. LBD 174.1
Hinihiling ng Panginoon na ang bawat tao ay dapat gawin ang kanyang buong makakaya; at ang mga gumagawa ng kanilang buong makakaya ay magkaroon ng personal na lubos na kasiyahan, at magbibigay rin ng lubos na kasiyahan sa mga taong kumakalinga sa kanila. Dapat na maunawaan ng mga kabataang kailangan nila ang malalim na karanasan sa mga bagay ng Diyos. Walang kapakinabangan sa kanila ang simpleng mababaw na gawain. Kailangan ninyong dalhin ang liwanag ng Salita ng Diyos sa inyong puso, upang masaliksik ninyo itong may liwanag ng kandila. . . . LBD 174.2
Kapag nagsama-sama kayo, maaari kang maging tulong at pagpapala sa isa’t isa kung paliligiran ninyo ang inyong sarili ng impluwensyang banal; ngunit mayroong mga may malubhang depekto na higit na mahigpit silang hinahawakan, at na, kung hindi mapagtagumpayan, palalayasin ang Espiritu ng Diyos mula sa puso. . . . Hindi isang impluwensyang kasama ng iba pa ang relihiyon ng Biblia, kundi kataas-taasan ang impluwensya nito, na nangingibabaw at kumokontrol ng bawat ibang impluwensya. Dapat makontrol ng relihiyon ng Biblia ang buhay at pag-uugali. Hindi dapat ito maging tulad ng isang kulay ng ipinipinta sa kung saan-saang bahagi sa ibabaw ng kambas, kundi nangingibabaw sa buong buhay ang impluwensya nito, na tila inilubog ang kambas sa kulay hanggang sa ang bawat sinulid ng tela ay makulayan ng matindi, mabilis, at hindi kumukupas na kulay. Bibigyan kayo ng Panginoon ng pag-unawa sa lahat ng mga praktikal na katotohanan ng Biblia habang isinasakabuhayan ninyo ang mga ito sa inyong buhay. Isasagawa sa inyong praktikal na karanasan sa pang-araw-araw na buhay ang mga prinsipyo ng katotohanan.— The Youth’s Instructor, May 30, 1895. LBD 174.3
Kahit sa mas maliit na mga tungkulin ng karaniwang buhay, dapat tayong patuloy na lumago sa biyaya, na binigyan ng mataas at banal na motibo, makapangyarihan dahil nagmumula ang mga ito sa Isa na nagbigay ng Kanyang buhay upang pagkalooban tayo ng insentibo upang maging ganap na matagumpay sa pagbuo ng Cristianong karakter.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 490. LBD 174.4
Kahit saan kumilos ang relihiyon ni Cristo, paliliwanagin at patatamisin ang bawat detalye ng buhay na mas higit kaysa makalupang kagalakan at mas mataas pa kaysa makalupang kapayapaan.— Letter 2, 1892. LBD 174.5