Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pinili Nating Paligayahin ang Diyos, Hindi ang Ating Sarili, 17 Hunyo
At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya ako pinabayaang nag-iisa; sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kanya. Juan 8:29. LBD 173.1
Kung pinili Niya [ni Cristo] na gawin, maaari Siyang magpalipas ng Kanyang mga araw sa mundong Kanyang nilikha, na maaliwalas at sagana, at inangkin para sa Kanyang Sarili ang lahat ng mga kasiyahan at kaligayahang maibibigay ng mundo sa Kanya. Ngunit hindi Niya inatupag ang Kanyang sariling kaginhawahan. Nabuhay Siya hindi upang masiyahan sa Kanyang sarili, kundi gawin ang kabutihan at ibahagi ang Kanyang mga pagpapala sa iba.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 18. LBD 173.2
Walang tulong para sa lalaki, babae, o bata, na hindi nakinig at sumunod sa tinig ng tungkulin; sapagkat ang tinig ng tungkulin ay tinig ng Diyos. Kung tumangging makinig sa payo ng Diyos ang mga kalalakihan at kababaihan, magiging manhid ang mga mata, ang mga tainga, at ang puso, at pipiliin ang pinakamahusay na paraan upang masiyahan ang kanilang sarili.— Manuscript 22, 1897. LBD 173.3
Makatatagpo ng pagkabigo ang lalaki o babaeng umalis sa lugar na ibinigay ng Diyos sa kanya, upang masiyahan sa kanyang hilig, at kumilos ayon sa kanyang sariling plano, sapagkat pinili niya ang kanyang paraan sa halip na paraan ng Diyos. . . . LBD 173.4
Tagapamahala natin ang ating Ama sa langit, at dapat tayong magpasakop sa Kanyang disiplina. Mga miyembro tayo ng Kanyang pamilya. May karapatan siya sa ating paglilingkod. . . . Hindi tayo dapat mag-aral para magkaroon ng sarili nating paraan, kundi ng paraan at ng kalooban lamang ng Diyos. . . . Nagdurusa ang mga tao dahil lumayo sila sa landas na pinili ng Diyos para sundan sila. Lumalakad sila sa mga baga ng apoy na kanilang sinindihan, at ang tiyak na resulta ay kapighatian, kabagabagan, at kalungkutan, na maaari nilang maiwasan kung nagpasakop sila ng kanilang kalooban sa Diyos. . . . Anuman ang landas na pinili ng Diyos para sa atin, anuman ang paraang kinasihan Niya para sa ating mga paa, iyon lamang ang tanging landas ng kaligtasan. . LBD 173.5
. . Na may mata ng pananampalataya, na may tulad sa pagpapasakop ng bata maging bilang masunuring mga anak, dapat tayong tumingin sa Diyos, sundin ang Kanyang patnubay, at malulutas ang mga paghihirap. Ang pangako ay, “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.” — Letter 120, 1900. LBD 173.6