Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

168/367

Dapat Malinis Tayo sa Loob at sa Labas,15 Hunyo

Ako’y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, kayo’y magiging malinis sa lahat ninyong karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyong mga diyus-diyosan. Ezekiel 36:25. LBD 171.1

Upang maging kaaya-aya sa paningin ng Diyos, dapat magbigay ang mga pinuno ng bayan ng mahigpit na pag-iingat sa malinis na kalagayan ng mga hukbo ng Israel, kahit na humayo sila sa labanan. Banal na inutusang ang bawat kaluluwa, mula sa pinuno hanggang sa pinakamababang kawal sa hukbo, na panatilihin ang kalinisan ng kanyang pagkatao at kapaligiran; sapagkat pinili ng Diyos bilang Kanyang natatanging bayan ang mga Israelita. Sagradong nangako sila na magiging banal sa katawan at espiritu. Hindi sila dapat maging bulagsak o pabaya sa kanilang mga personal na tungkulin. Sa bawat pagkakataon ay dapat nilang mapanatili ang kalinisan. Wala sila dapat hahayaang anumang bagay na di-maayos o di-kanais-nais sa kanilang kapaligiran, walang anumang bagay na makaaapekto sa kadalisayan ng atmospera.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1119. LBD 171.2

Hindi maaaring mabuhay ang Sampung Utos, na sinalita ni Jehova sa Sinai, sa mga puso ng mga taong may kaguluhan at maruruming gawi. Kung hindi maaaring makinig ang sinaunang Israel sa proklamasyon ng banal na kautusan, malibang sinunod nila ang utos ni Jehova, at nilinis ang kanilang mga damit, papaano maisusulat ang sagradong kautusan sa puso ng mga taong di-malinis sa pagkatao, sa damit, o sa kanilang mga bahay? Imposible ito.— The Health Reformer, February 1, 1872. LBD 171.3

Malinis at banal na lugar ang langit. Dalisay at banal ang Diyos. Ang lahat ng lumalapit sa Kanyang presensya ay dapat tumalima sa Kanyang mga direksyon, at gawing dalisay at malinis ang kalagayan ng katawan at damit, na magpapakita ng paggalang sa kanilang sarili at sa Kanya. Dapat ding maging banal ang puso. Ang mga gumagawa nito ay hindi inilalagay sa kahihiyan ang Kanyang banal na pangalan sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya habang marumi ang kanilang mga puso at hindi malinis ang kanilang kasuotan. Nakikita ng Diyos ang mga bagay na ito. Tinatandaan Niya ang paghahanda ng puso, ang kaisipan, at ang kalinisan . . . ng mga sumasamba sa Kanya.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, pp. 1119, 1120. LBD 171.4

Nasisiyahan ang mga anghel sa mga bagay na kanilang nakikita sa mga panlabas na kapaligiran ng bayan ng Diyos.— Letter 35, 1901. LBD 171.5